6

129 7 11
                                    

Angelica Tolentino

Dahil madaling araw na akong natulog, nagising na ako bandang lunch time. Actually, ginising talaga ako ni ate Mabeth dahil pinapababa na ako ni mama.

Saglit muna akong natulala sa kawalan. Panibagong araw na naman, ano na naman kayang gagawin ko ngayon bukod sa pagiging pabigat kina mama? I know I should do something. Pero sa ngayon ay hindi ko pa kayang kumilos.

I need space. I need time to figure out my purpose.

I snap out of my thought at tumayo mula sa higaan ko. Nag-inat inat muna ako bago ako dumiretso sa banyo para mag-ayos. Isa sa tinuro sa akin ng lola noong nabubuhay pa siya ay ang pagbibigay halaga sa sarili. Isa na doon ang pag-aayos at pagiging presentable. Kaya naman kahit isang simpleng araw lang ito ay nag-suot pa rin ako ng isang magandang peach linen dress at kaunting make-up.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng samut-saring boses na nanggagaling sa kusina. Ngunit ang masayang boses ng mama ang nangingibabaw sa lahat.

Pagpasok ko ng kusina nadatnan ko doon ang mga magulang ko at mga kapatid. Nandoon din ang asawa ni ate at dalawang anak. Kasama naman ni kuya Clark ang bago na naman niyang girlfriend.

Tumabi ako kay kuya Gareth na tahimik lang na nakaupo sa kabilang dulo ng kabisera.

"Angelica, mabuti naman at nagising ka na. Kumain ka na diyan. Ok lang ba ang pakiramdam mo?"

Tumango ako at ngumite. "Okay lang, mama."

"Tita, mano po." Mula kay mama bumaba ang tingin ko patungo sa pamangkin kong nakatayo ngayon sa aking tabi.

"Hello, Maddox. Ang laki mo na ah? What grade are you in na?" Ang tanong ko habang inaabot dito ang kamay ko.

"I'm in grade 2 po, tita," ang sagot niya matapos magmano sa akin.

"Nak, tell tita Ange anong ginawa mo last week," ang narinig kong sabi ni ate sa tabi ko.

"I won Mr. United Nations po, tita. And then someone asked me to be a model."

Sabay-sabay kaming nag-ingay sa tuwa. We're a quiet people pero kapag nagkakasama naman kami, marunong din naman kaming mag-ingay.

"Ang galing naman. Buti na lang nagmana ka sa daddy mo," ang biro ko.

Ate nudged me playfully. "Hoy, grabe ka sa akin, Ange."

Mahina akong tumawa at yumakap kay ate. "Joke lang po."

I don't mean to brag but my siblings are good-looking. I watched them introduce different people to our mother when I was younger. Naaalala ko dati may mga inuuwing sikat na artista si ate. But they'd break up after a few months. Si Kuya Clark naman nagka-girlfriend ng mga beauty queens. One of them won the crown of a prestigious international pageant. Si kuya Gareth naman mga sikat na model ang mga girlfriend. Ate Pauline, his ex-wife, was a famous car ambassador and commercial model.

Ako lang naman ata ang naiba. I never tried to be in a relationship dahil school at bahay lang ang alam ko. Dahil na rin siguro lumaki ako sa gabay ng lola.

Natigil kaming lahat nang tumayo bigla si kuya mula sa upuan niya. Lahat ng mga mata ay kasalukuyang nasa kanya.

"Oh, Oli, anak, sa'n ka pupunta?" Ang tanong ni mama.

"I'm done, alis na 'ko."

Sinulyapan ko ang reaksyon ni kuya Clark. Sa lahat, si kuya ang pinakamainit ang dugo kay kuya Gareth. Si ate divided ang opinion niya tungkol sa nangyayari kay kuya pero si kuya Clark matagal ng napuno.

Crossing BordersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon