Angelina Tolentino
Habol ko ang aking hininga at sapo-sapo ang dibdib habang binabaybay ko ang daan patungo sa pinaglagyan kay kuya. It did not take long for me to find him lying on the hospital bed with a bruised face and a bandage on his left hand.
I walked towards his bed as soon as I got in and hugged him. "Kuya!"
Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol dahil sa ginawa ko. He opened his eyes and looked at me with confusion and irritation written on his face.
"Who the hell are you?" Ang galit niyang tanong sa akin. Nakakunot pa ang kanyang noo at mas lalong sumama ang tingin sa akin.
I would be lying if I say I'm not intimidated. Malaking tao si kuya at malaki ang katawan. Mama told me na naglalagi daw ito sa gym at isa ito sa dahilan kung bakit hindi sobrang dalas ng topak ni kuya. He got a huge tattoo on his arms like a permanent sleeve. I also remember na may tattoo si kuya sa kanyang likuran.
Gwapo si kuya but he looked so dominant, intimidating and bad. 'Yong dati niyang asawa na si ate Pau lang ang medyo nakatiis sa kanya.
Katulad ko kasi si kuya. Pareho kaming tahimik ni kuya at hindi gaanong palasalita. However, unlike me, kuya is deadly even if he's silent habang ako naman ay mas masunurin at mas malambot.
"Uhm," Tila naputulan ako ng dila at hindi makabuo ng salita ang bibig ko. I was confused and scared. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang tinitingnan niya ako. "K-Kapatid mo 'ko. Si Angelica po."
"Angelica, huh? So what the fuck are you doing here, brat? Pinadala ka ba nila mama dito para manghiningi ng pera? Para guluhin ako?! Para pagsibahin?! Para sampalin?! Para suntukin?! Huh?! Ano! What do you want?!"
Hindi ko magawang makapag-react kaagad sa sunod-sunod niyang mga tanong dahil sa pinaghalong gulat at takot. As much as possible I tried to look as calm as I can. Pakiramdam ko kasi kung sasabayan ko ng takot si kuya baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon.
"Hindi po, kuya. Iche-check ko lang po ang kalagayan ninyo. Nag-alala lang po talaga ako. Kumusta na po ang pakiramdam niyo? May gusto ba kayong kainin? Inumin?" Ang sunod-sunod kong tanong sa kanya habang hinahapit ang buo niyang katawan.
Medyo nagulat din ako sa sarili ko. I have never talked so much like that.
Iwinaksi niya ang kamay ko at binigyan ako ng isang masamang tingin. "Get away from me. Hindi kita kailangan. Hindi ko kayo kailangan. Tngna niyong lahat!"
Masakit man ang sinabi niya hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin. Ang kalagayan niya ang pinaka-importante ngayon.
"Kuya, kumain ka muna. Pagkatapos mong kumain aalis din ako." Sinubukan kong maging malumanay sa kanya. Ayokong sabayan ang tupak niya at baka mas lalo lang sumama ang sitwasyon.
Habang papunta dito nag-take out na rin ako ng pagkain sa isang fast food restaurant. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya 'to pero naalala ko before noong okay pa si kuya, nilibre niya kaming mga kapatid niya doon. Itong mushroom beef stake, mashed potatoes, dalawang rice at friend chicken din ang in-order niya.
"Di mo ba ako naiintindahan?" Parang may kung anong gumapang sa katawan ko nang marinig ang malamig niyang boses. Walang kabuhay-buhay, walang bahid ng kung anong emosyon.
Huminga ako ng malalim at bumuga.
Pinagpatuloy ko ang paghahanda ng pagkain. Almost lunch na din and sabi ng nurse hindi pa raw kumakain si kuya. Kaya 'to tinatupak kasi kinukulang din sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Crossing Borders
Ficción GeneralThis is not a romantic love story. This is not a romantic relationship guidebook. This is just a twisted story between two sinners sharing the same name, the same lust. Angelica Tolentino is a 20-year-old college drop out known for her introvertedn...