CHAPTER 3

6.2K 166 8
                                    

KAGAYA ng sinabi niya ay naligo na ako, pagkabukas ng closet ay totoo ang sinabi niya.

Nandito pa din ang mga damit ko, hindi niya tinapon o sinunog. Nagbihis na ako, pagkalabas ko sa ay nasa may vanity yung hair blower.

Tahimik na pinatuyo ko yung buhok ko. Bumukas yung pintuan kaya napatingin ako sa may salamin.

Tinignan niya ako. "Eat." Sabi nito.

Inilagay niya yung tray sa kama at lumabas na ito.

Napabugtong hininga ako dahil sa inakto niya. Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok ay kumain na ako.

Inilabas ko yung tray, bumaba na ako pero hindi pa ako tuluyan nakakababa ay narinig ko si Jet na may kausap.

"Take care of yourself wala ako dyan. Give me one week and I will visit you."

Malambing ang boses niya. Bagong girlfriend niya?

Huminga ako ng malalim at dumeretso sa kitchen area para linisin ang pinagkainan ko.

Tumahimik bigla, mukhang tapos na siya.

Mali yata ang paghingi ko ng tulong sa kaniya.

Naramdaman ko na may yumakap sa bewang ko, napapikit ako ng halikan niya ako sa leeg pataas sa pisngi ko.

"Tomorrow, I need your body."

Humarap ako sa kaniya. "Hindi ba pwede sa susunod na lang?" Tanong ko.

Sumeryoso siya. "No! Your payment is your body, always remember that beauty." Sabi nito bago ako iniwan.

Napabugtong hininga ako. "Mali yata talaga ang pagpunta ko, hindi na yata dapat ako bumalik sa kaniya."

Pumunta ako sa kwarto namin. "Jet saan ako matutulog?" Nahihiya na tanong ko.

"Beside me."

Napakurap ako dahil sa sinabi niya, tahimik na nahiga ako sa tabi niya. Tumalikod ako ng pwesto sa kaniya dahil nahihiya ako.

Naramdaman ko na yumakap siya sa bewang ko, hindi ako nagsalita o nagreklamo.

Napapikit ako dahil siguro namiss ko siya, pero ibang Jet Bryce na ang katabi ko ngayon, ibang iba.

"Sasabihan kita kung kailan hindi na kita kailangan." Saad niya.

"Jet..."

"Katawan mo lang ang kailangan ko ngayon." Malamig na saad niya.

Para akong tinutusok sa puso dahil sa sinabi niya, mahal ko pa din siya kahit hindi kami magkasama ng isang taon.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon