CHAPTER 27

4K 130 12
                                    

NAKAUPO pa din ako sa hita ni Jet ng makita ko si Alethea at Jethro na nasa may pintuan.

"Okay na po ba kayo, Mommy? Daddy?" Tanong ni Alethea.

Tumango ako. "Oo." Sagot ko.

Ngumiti sila. Magkahawak ang kamay at tumatalon sila, paikot. "Yehey! Family! Family!" Sigaw nila.

Napangiti kami ni Jet. Naramdaman ko na dinampian niya ako ng halik sa likod. "Complete." Bulong ni Jet.

Tumakbo papalapit sa amin sila Alethea at umupo sa tabi namin. "I'm happy, Mommy." Sabi ni Alethea.

"Me too, Mama." Nakangiting saad ni Jethro.

"Araw-araw magdadate tayo." Sabi ni Jet.

Napatingin ako sa kaniya. "Hindi ba't parang ang tanda na natin para dyan?"

Kunot-noo naman niya akong tinignan. "Wala sa edad 'yon, Beauty. Kahit ano edad pwede magdate." Saad niya.

"Hm. Sabi mo e."

"Date okay?" Bulong niya.

Tumango ako. "Oo."

Hinalikan niya ako sa labi. "By the way, pinapapunta tayo ni Dad sa bahay." Sabi niya.

"Bakit daw?"

"Gusto kasi nilang malaman kung okay na tayo." Saad niya.

Tumango ako. "Okay."

Pinahiga niya ako sa kama, tapos pinahiga niya din si Alethea at Jethro sa tabi ko. Tapos humiga naman si Jet sa likod ko at yumakap siya sa bewang ko.

"Si Verity ba hindi kayo maguusap?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Mahinang saad ko.

"Jethro and Little Alet. Can you please go outside? Maglaro muna kayo. Maguusap lang kami ng mommy mo."

"Okay po." Sabi nilang pareho bago lumabas ng kwarto.

Humarap ako sa kaniya. "Ayaw mo ba ayusin yung sainyo?"

"Gusto naman." Mahinang sagot ko.

"Natatakot ka?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo."

Hinalikan niya ako sa noo. "Magusap na kayo, matagal ka na niya gusto makausap." Saad niya.

Yumakap ako sa kaniya. "Pag hinatid natin si Jethro bukas, kakausapin ko siya." Saad ko.

Ngumiti siya. "Para hindi na mabigat ang loob mo."

Ngumiti din ako at sumiksik sa dibdib niya.

Tinignan ko siya at nakatingin naman din siya sa akin. "Bakit beauty?" Tanong niya.

"Pwede ka na lumabas ng kwarto ko." Saad niya.

Ngumuso siya. "Pagkatapos ko kita lambingin at kausap. Paalisin mo lang ako ng ganon?" Tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. "Kasi hindi ako marupok."

"Beauty naman e."

"Jet labas."

"Hindi tayo bati, sinasabi ko sayo." Saad niya at umalis.

Napailing na lang ako at umayos ng higa.

Noon talaga ay ganon siya minsan. Gusto niya pag hindi kami bati lalambingin ko siya pero hindi ngayon.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon