CHAPTER 10

5K 137 0
                                    

ALTHEA

NATATAKOT na nagtago ako sa ilalim ng kama.

Nagdarasal ako na sana hindi ako mahanap ni Jet.

"BEAUTY!" Galit na tawag nito.

Naiiyak ako dahil sa takot at sa posibleng gawin niya.

"Ahhhhh!" Napasigaw ako ng may biglang humila sa binti ko.

"Jet." Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya.

Binuhat niya ako at tinignan ng masama. "Subukan mong tumakas ng masasaktan ka na sa akin." Malamig pero nakakatakot na sabi niya.

Ihiniga niya ako sa kama at tinignan. "Huling beses mo na gagawin to, Beauty."

Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako humiga. "Pakawalan mo na ako, hindi ka naman ganito dati di ba?"

Ngumiti ito pero hindi abot hanggang mata. "Magmula ng iniwan mo ako para umuwi sa inyo, hindi ka na bumalik di ba? Humingi ka ng tulong sa para mabayaran ang nasanla niyong bahay, hindi kita makukuha dahil din sa pagiwan mo ay nagbago ako."

Umiling ako. "Tapos na tayo, Jet. Take note hindi na ako pangbayad ng utang!" Sigaw na sabi ko.

Mukhang nagalit ito dahil umupo ito at hinawakan ang pisngi ko ng sobrang higpit.

"N–nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka pag hindi ka nagtino! Huwag kang sumigaw dahil katabi mo lang ako! Wala kang karapatan ngayon para sigawan ako!" Galit na sabi nito bago ako iniwan.

Umiiyak na napatingin ako sa pinaglabasan niya. Hindi ko na talaga siya kilala.

PAGKALIPAS ng isang oras ay inayos ko ang sarili ko at bumaba.

Natigilan ako ng tumunog yung doorbell, pumunta ako sa may pintuan binuksan.

"Verity."

Gulat na napatingin siya sa akin. "A-althea!"

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka na tanong ko.

Humiwalay siya ng yakap sa akin. "Nandito ba si Jet?" Tanong niya.

"Kakaalis niya lang." Sagot ko.

Kailan pa sila naging close ni Jet?

Napansin ko na malaki ang tyan niya. "Buntis ka?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo, 7 months na." Sabi nito at hinaplos ang tyan niya.

"Congrats." Masayang saad ko.

Hinila ko siya papunta sa living area at pinaupo siya. "May gusto ka ba kainin?"

Umiling siya bilang sagot.

Naupo ako sa tabi niya. "Kumusta ka na Althea? Kailan ka nakabalik?" Tanong niya.

"5 months ago, maayos naman ako." Sagot ko.

"Oh! Hindi nasabi ni Jet." Saad niya.

"Kailan kayo naging close?" Nagtataka na tanong ko.

"8 months ago pa, nagpatulong kasi ako kaya naging close ko siya. Alam mo naman noon hindi ko naman siya close." Sabi niya.

Napangiti ako. "Mabuti at naging close kayo."

"Oo nga e." Masayang saad niya.

Pagkalipas ng dalawang oras ay nagpaalam na siyang umuwi. "Mag-iingat ka, Verity."

"Salamat Althea." Sabi nito. Niyakap niya ako bago sumakay ng taxi.

Isinarado ko na yung pintuan, paakyat na sana ako ng bumukas yung pituan. "Jet pumunta dito si Verity. Hinahanap ka." Saad ko.

Nakita ko kung paano siya namutla. "May sinabi ba siya?"

"Wala naman, may sasabihin ba siya?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman." Sabi nito.

Napatango ako at umakyat na para dumeretso sa kwarto.

Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon