PAGKARATING sa Manila ay dumeretso kami sa bahay ni Tito Linus, dito daw kami titira habang nandito kami. Gusto din daw niya kasama palagi si Alethea.
Itinuri niya na apo ang anak ko kahit na magkaibigan kami ni Ichiro. Ayaw pa daw kasi siyang bigyan ng Apo ni Ichiro kahit anong ipilit niya.
"Alethea! Althea!" Masayang tawag sa amin ni Tito Linus sa may entrance ng bahay niya.
Napangiti ako at niyakap siya. "Hello po, Tito."
Niyakap niya din ako at hinalikan niya sa noo si Alethea. Lumapit naman si Ichiro sa amin at umakbay sa akin. "Dad, nandito lang si Althea nakalimutan mo na ang paburito mong anak."
Natawa kami ni Tito Linus. "Talagang kakalimutan kita pag wala ka pang ibinigay na apo sa akin."
"Dad parang ganon kadali 'yon, may Alethea ka na." Sabi ni Ichiro.
Hindi siya pinansin ni Tito Linus at binuhat si Alethea. "Alet, bumibigat ka na. Madami ba kinakain mo sa Bacolod?"
Tumango si Alethea. "Yes po, Grandpa. Like big big foods para po lumaki kaagad ako."
Natawa si Tito Linus. "Alet, huwag mo madaliin gusto ko ganito ka muna."
Mukhang naguluhan si Alethea sa sinabi ni Tito Linus pero tumango lang siya.
"Ichiro, bakasyon ko ngayon kaya ikaw ang maghandle ng company." Sabi ni Tito Linus.
Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin. "Dad kakarating ko lang."
"So?" Masungit na tanong ni Tito Linus.
Humarap ako kay Ichiro. "Sige na alis ka na, ipagdadala kita ng pagkain. Chili Mac?"
Tumango siya at humaba ang nguso. "Yes please."
"Ingat ka." Saad ko.
***
Inilagay ko sa isang malaking food container yung luto ko na Chili Mac n Cheese dahil favorite ito ni Ichiro at inilagay ko din yung isang box ng nestle hot chocolate. Gusto kasi niya na siya ang magtimpla.Buti na lang ay may stock dito sa bahay ni Tito Linus. Hinayaan ko muna na magbonding si Alethea at Tito dahil matagal na silang hindi nagkikita.
Nagpahatid ako sa driver nila, after 30 minutes ay nakarating kami sa Alaric Company.
"Hi Ma'am Thea." Nakangiting bati ng iba.
"Hello." Nakanging bati ko din bago sumakay sa 29th floor.
Dumeretso ako sa office ni Ichiro, dahan-dahan ko binuksan yung pintuan at naabutan ko siya na minamasahe yung sentido niya.
Tahimik na naglakad ako papalapit sa kaniya at inilagay sa harapan niya yung paper bag.
Nag-angat siya ng tingin. "Athea..."
"Are you okay?" Tanong ko.
Inilabas niya yung pagkain. "Nastress na ako kahit kararating ko lang dito sa company ni Dad."
Natawa ako umupo. "Si Tito talaga."
"Parang hindi mo kilala si Dad gusto biglaan."
Natawa ako lalo dahil sa sinabi niya. "Sige na kumain ka na dyan. Kailangan ko na umuwi." Sabi ko.
"Dito ka muna." Sabi nito.
"Sige na kumain ka na dyan. Aalis na ako." Sabi ko.
"Sabay ka na sa akin dahil baka madaanan mo ang bahay ni Jet." Mahinang sabi nito pero narinig ko siya.
Tinignan ko lang siya at hindi na nagsalita.
"Althea... sorry."
"For the last time Ichiro ayoko marinig ang pangalan niya." Saad ko.
"Althea paano kung bigla siya bumalik at magpakaama kay Alethea."
"Then go, para kay Alethea lang. Hindi ako kasama." Sabi ko.
Isa sa nagpapakaba sa amin ay ang magkita ang dalawa, siguro dahil malapit ang bahay ni Tito Linus sa bahay ni Jet.
Tumayo siya at nilapitan ako. Niyakap niya ako, "Sorry."
"It's okay." Sabi ko.
"Hintayin mo na ako, uubusin ko lang to then alis na tayo." Sabi nito.
Napipilitan na tumango ako. "Sige na." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dealing with Jet ✔️
Ficción GeneralSwift Twins: Jet Bryce SPG | R-18 Started: February 22, 2021 Ended: Source of Cover Picture: Pinterest