THURSDAY na ngayon at kailangan mamayang 6:00 ng gabi ay nasa hotel na kami katabi ng Alaric Company hindi ko alam kung ano ang pangalan ng hotel dahil hindi sinabi ni Ichiro.
"Mommy look!"
Humarap ako kay Alethea at ngumiti. "You're so beautiful."
Umikot ito habang hawak ang dress na baby pink maxi dress ang akin naman ay light blue mermaid deep v-neck backless slit dress.
Yumakap siya sa bewang ko. "Mommy bakit po palagi wala si Papa Ichiro?" Tanong niya.
Hinaplos ko ang buhok niya. "May pinuntahan lang siya sandali."
Alam ko susunduin niya si Carmina yung ex niya, siguro ay may progress na yung dalaga. Si Ichiro kasi parang babae, siya ang nagpapakipot.
Pagkalipas ng isang oras ay bumaba na kami, nauna na kasi si Tito Linus sa hotel.
"Mommy si Papa Ichiro!" Masayang saad niya at tumakbo papalabas ng bahay.
Sumunod ako, nakasakay na ito sa kotse. Sumakay na din ako. "Hi Carmela."
"Hello." Nakangiting bati niya.
"Umayos ka ng upo." Suway ni Ichiro kay Carmela.
Si Ichiro naman ay nagmaneho na ito.
"Ayaw mo pa aminin, huh?" Asar na saad ko kay Ichiro.
"Heh!" Natawa ako sa reaction niya.
"Papa Ichiro may libre po ba tayong ice cream? Kasama po natin yung may-ari ng Balance Flavor." Tanong ni Alethea.
"Silent." Suway ko sa kaniya, ngumuso si Alethea.
"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko." Paumanhin ko kay Carmela.
Ngumiti siya. "Okay lang 'yon, you can visit Balance Flavor for free."
Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Althea, napangiti ako at napailing. Favorite niya kasing ice cream parlor ang Balance Flavor dahil pag pumupunta kami ng mall sa bacolod, palaging punta namin sa Balance Flavor.
"Really po? Yes!" Masayang saad ni Alethea.
"Oo naman." Nakangiting saad ni Carmela.
Pagkalipas ng 45 minutes ay nakarating na kami ng hotel.
Bumaba na ako at inalalayan si Alethea na makababa ng sasakyan. Si Ichiro naman ay pinagbuksan niya ng puntuan si Carmela.
"Mauna na kami, loving time muna kayo." Saad ko bago hinawakan sa kamay si Alethea papasok ng hotel.
Pagkapasok sa function hall ay madami na din ang mga tao.
Pinaupo ko si Alethea sa upuan, medyo nasa likuran na ang pwesto namin ni Alethea.
Natigilan ako kung sino ang mga nakaupo sa may unahan namin na table, nandito ang parents ni Jet. Nandito lahat mga Swift at Walton kahit si Jet at Shinrei ay nandito.
Huminga ako ng malalim at umupo na, tinignan ako ni Alethea. "Mommy pwede na po ba ako magplay? Nandito po si Kuya Jethro." Tanong ni Alethea sabay turo sa may harapan namin.
"Okay, pumunta kayo sa may garden may playground 'don. You promise me okay? Huwag maging malikot, walang sugat okay? As my promise pag naging behave ka sa party ni Lolo Linus ay dadalhin ka ni Papa Ichiro sa Balance Flavor.
Ngumiti siya. "Yes mommy as my promise I will very very light behave." Saad nito at itinaas ang kanang kamay niya.
Natawa ako sa 'very very light behave' na sinabi niya.
"Okay, be careful." Paalala ko at inalalayan ko siya paalis sa upuan niya.
Tumakbo si Alethea at pinuntahan si Jethro, nakita ko na itinuro ako ni Alethea. Tumungin lahat sila dito, awkward na ngumiti ako, siguro dahil ngayon ko lang ulit sila nakita.
Tumayo ang parents ni Jet at nilapitan ako, nahihiya na tumayo ako. "Magandang gabi po." Saad ko.
Ngumiti si Tita Camille at niyakap ako. Napayakap naman ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Humiwalay ito ng yakap at si Tito Harrison din ay niyakap ako. "Nice to see you again, Hija. Sorry for what my son did to you."
"Nice to see you again, Tito Harrison." Binalewala ko yung sinabi niya.
Humiwalay ito ng yakap at napatingin ito sa kinaroroonan ni Alethea at Jethro na nasa kabilang table. "May anak ka na pala." Saad ni Tita Camille na nakatingin din pala sa kabilang table.
Nagtama ang tingin namin ni Jet pero ibinalik ko ang tingin ko sa parents niya.
Tumango ako. "Opo."
"Harrison, balik na muna ako sa table natin."
"Okay baby, behave." Saad ni Tito Harrison kay Tita Camille.
"Bye Althea." Paalam ni Tita Camille.
"Bye, Tita Camille."
"Anak siya ni Jet, di'ba?" Tanong ni Tito Harrison.
Natahimik ako, hindi ako makasagot. Tinignan niya ako. "Kahit magkamukha kayo ng anak mo ay hindi mo maipagkakaila na anak siya ni Jet."
Huminga ako ng malalim. "Opo anak niya po si Alethea."
"Alam ba niya? Nagusap na ba kayo?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi po dahil wala na po kami dapat pagusapan ni Jet."
"Naiintindihan kita, nung nalaman ko na niloko ka ni Jet ay galit na galit ako dahil noon kay Camille hindi ko naisipan na lokohin siya. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ng anak ko bakit niya nagawa sayo 'yon."
Ngumiti ako ng mapait. "Okay lang po, siguro nagkulang ako at hindi nakabalik kaagad."
Umiling siya. "Alam mo, Althea. Kung mahal ka niya hindi ka niya lolokohin kahit hindi ka makabalik kaagad."
"Huwag na po natin pagusapan, tapos na po 'yon, Tito Harrison." Saad ko.
Ngumiti siya. "Try to heal yourself, Althea. Hindi ka magiging masaya kung kahit ang sarili mo ay hindi mo kaya patawarin at gamutin."
Hindi ko napigilan umiyak dahil sa sinabi ni Tito Harrison, inabutan niya ako ng panyo. "Ang hirap po, Tito. Hindi ko kaya, hindi ko pa kaya. Masyado pa masakit ang lahat kahit na limang taon na ang lumipas."
Hinaplos niya ang buhok ko. "It takes time, Althea. Step by step, don't worry I will not tell him na may anak kayo, hahayaan ko na siya mismo ang makakaalam na may anak kayo." Saad niya.
"Thank you po, Tito Harrison."
"Smile now, baka isipin ng iba pinaiyak kita." Saad niya.
Pinunasan ko yung luha ko at napangiti ako. "Hahayaan ko po si Alethea sa table niyo, nandoon po ang kuya niya."
"Paano mo nakilala si Jethro?" Tanong niya.
Napatingin ako kay Jethro at Althea na naglalaro, nararamdaman ko ang tingin ni Jet sa kinaroroonan ko. Ramdam ko ang pagiging seryoso nito.
Binalik ko ang tingin ko kay Tito Harrison. "Unang kita ko po sa kaniya sa mall, naikwento din po ni Papa si Jethro na anak daw po siya ni Jet. Pinuntahan niya po ako sa bahay ni Tito Linus kaya pinakilala ko siya kay Alethea, pero hindi ko po sinabi na magkapatid sila sa ama." Kwento ko.
Ngumiti siya. "Mabuti ay hindi ka galit kay Jethro?"
"Wala naman po siyang kasalanan sa nangyari sa akin at sa daddy niya."
"Salamat, Althea dahil hindi ka nagalit kay Jethro. Kailangan ko na bumalik 'don. Gusto ko makilala ang apo ko." Paalam niya.
"Sige po."
Lumapit na ito sa table nila, nakita ko kung paano nilapitan ni Jet ang daddy niya. Seryoso itong nagsalita pero hindi ko alam kung ano 'yon.
BINABASA MO ANG
Dealing with Jet ✔️
Ficção GeralSwift Twins: Jet Bryce SPG | R-18 Started: February 22, 2021 Ended: Source of Cover Picture: Pinterest