CHAPTER 7

5K 143 7
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para ipagluto ng almusal si Jet.

Kakalagay ko lang ng bacon at egg sa table. "Kain ka na." Saad ko kay Jet na nakababa na.

Umupo na ito tatalikod na sana ako ng marinig ko siyang nagsalita. "Hindi ka kakain?" Tanong niya.

"Hm. Mauna ka na."

"Sit here beside me." Saad nito.

Hindi na ako nagsalita o nagreklamo, umupo na ako at tahimik na kumain.

Nararamdaman ko ang tingin niya, tinignan ko siya. "May problema ba?" Tanong ko.

"Nothing."

Tumango na lang ako at kumain na ulit. Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na may humalik sa pisngi ko. "I need to go." Paalam nito.

Napakurap ako. "Take care." Sabi ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaalis na siya. Naninibago ako sa ginawa niya parang kailan lang iba pakikitungo niya sa akin.

Kinuha ko yung phone ko ng maramdaman ko na nagvibrate ang phone ko. Si Papa ang tumatawag.

"Hello papa."

"Hindi ka ba uuwi dito?" Tanong niya.

Napabugtong hininga ako. "Hindi pa po, medyo matatagalan ako."

"Bakit naman?" Tanong niya.

"May binabayaran pa ako, ilan months pa uuwi na ako dyan." Sabi ko.

"Naiintindihan ko, mag-iingat ka dyan palagi. Huwag mo pabayaan ang sarili mo." Sabi nito bago pinatay yung tawag.

Napangiti na lang ako, tumayo na ako at kinuha yung mga pinagkainan namin ni Jet. Hinugasan ko na at naglinis na ako ng bahay.

Napatingin ako bigla sa may bintana ng matapos ako makapaglinis, nasa labas si Ichiro. Kumaway siya.

Binuksan ko yung pintuan at lumabas ako para puntahan siya. "Ano ginagawa mo dito?" Nagtataka na tanong ko.

"Dinadalaw ko lang ang kaibigan ko, hindi ka ba pupunta ng park?"

Umiling ako. "Hindi e, baka bigla umuwi si Jet."

"What about tomorrow? Are you free?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo, aalis bukas si Jet."

"Okay, see you tomorrow." Sabi nito at niyakap ako bago siya umalis.

Pumasok na ako at isinarado yung pintuan. Umupo ako sa may living area at nanood.

Hindi ko namalayan yung oras dahil bumukas na yung pintuan. "I'm home." Sabi ni Jet at basta na lang ako hinalikan sa labi.

Tumayo ako ng deretso. "Hm. Ano. Gusto mo ba ako na lang magayos ng damit mo?"

"Mga damit ko?" Naguguluhan na tanong niya.

"Di'ba aalis ka? Every 1st week and 4th week na umaalis."

Napataas siya ng kilay. "So you're learning?"

Hindi ako sumagot. "Okay, you can fix my clothes. Yung pang 2 weeks please."

Tumango ako, paakyat na sana ako sa hagdanan ng maramdaman ko na yumakap siya sa akin dahilan para matigilan ako. Siguro dahil hindi ko na kilala kung ano ugali ni Jet ngayon.

"I'm sorry."

Humarap ako sa kaniya. "For what?" Nagtataka na tanong ko.

Umiling siya at ngumiti. "Nothing, gusto ko lang bumawi sa mga nagawa ko sayo." Saad niya.

Ngumiti ako. "It's okay, as long as you're happy. I'm happy." Sabi ko bago umakyat.

Pagkalipas ng 30 minutes ay natapos na ako sa pagaayos ng damit ni Jet at inilagay sa luggage.

Nahiga na ako sa kama. Bigla bumukas yung pintuan, dumeretso siya sa closet para magbihis.

Humiga siya sa tabi ko at yumakap sa bewang ko. "I'll leave the money here beside the table. Budget for the whole month."

Tumango na ako, humarap ako sa kaniya. "Pupuntahan mo ba ang girlfriend mo?" Tanong ko.

Nakita ko kung paano siya nagulat. "I don't have a girlfriend."

Hindi na ako nagsalita tinignan ko lang siya sa mata. Kitang kita ko sa mga mata niya na nagsisinungaling siya.

KINABUKASAN maaga umalis si Jet, 6 am pa lang ay umalis na siya. Pinatulog niya ulit ako dahil maaga daw ako nagising dahil sa pagaasikaso sa kaniya.

10 am na ako nagising kumain na din ako bago naisipan na maggrocery.

Habang naglalakad ay natigilan ako ng may tumawag sa akin. "Althea!"

Napatingin ako. "Ichiro!" Bulalas na tawag ko dahil sa gulat.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Grocery." Sagot ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at pinasakay sa kotse niya. "Sandali lang! Bakit mo ako pinasakay?"

"Tutulungan kita." Sabi niya.

Umiling ako. "Hindi na dapat, atsaka wala ka bang trabaho?"

Umiling siya. "Bahala na si Dad." Sabi niya.

Nakarating kami sa Savemore at siya ang nagtulak ng cart. Nilagay ko lahat ng kailangan ko sa cart.

Pagkalipas ng isang oras ay natapos din kami. "Ayaw mo ba pumasok para kumain? Magluluto ako." Sabi ko.

"Gusto naman pero ayoko ng gulo, what about in my dad's house? Doon naman ako nakatira pwede mo ako ipagluto." Sabi niya.

"Okay, ipapasok ko lang to sa loob ng bahay." Saad ko.

Tinulungan niya ako hanggang sa labas ng bahay kaya ipinasok ko lahat ng pinamili namin. Isinarado ko na ulit yung pintuan bago sumakay sa kotse niya.

Ilan minuto lang ay nakarating kami sa labas ng bahay ng daddy niya.

Bumaba na kami at sabay kami pumasok sa loob. Itinuro niya kung saan yung kitchen area ng bahay nila.

"Ano favorite mo?" Tanong ko.

"Chili cheese mac n cheese." Sagot niya.

Tumango ako at hinanda lahat ng kailangan, tahimik lang siya nanood sa ginagawa ko.

"Ichiro bakit hindi mo sinabi na nandito pala ang girlfriend mo?"

Napatingin ako sa may entrance ng kitchen area may nakatayong lalake na parehas siguro ang edad nila ni Papa.

"Dad, kaibigan ko lang si Althea." Sabi ni Ichiro.

Lumapit ang Daddy niya sa kinaroroonan namin at ngumiti siya. "I'm Linus Alaric, call me Tito Linus."

"Althea Bayani po nice to meet you po, Tito Linus."

Sumakto naman na tapos na yung niluto ko. Kumain na kaming tatlo.

"Pagpasensiyahan mo na ako kanina, Althea. Akala ko kasi ay girlfriend ka ni Ichiro." Sabi ni Tito Linus.

"Okay lang po, Tito Linus."

"Dad kain ka pa, dumadaldal ka na naman." Sabi ni Ichiro dahilan para matawa ako.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Ichiro, ayaw pa ako pauwiin ni Tito Linus pero kailangan ko na umuwi. "Thank you, Ichiro nagenjoy ako."

"Welcome, next time ulit." Sabi niya at niyakap ako bago siya umalis.

Pumasok na ako at dumeretso sa kwarto para magpahinga. Tahimik sigurado dito sa bahay dahil wala si Jet.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon