KINABUKASAN ay nagising ako ng may yumuyugyog sa braso ko.
"Mommy."
Nagmulat ako ng mata at inaantok na tinignan si Alethea.
"Hm?"
Hinaplos niya yung tyan niya, ibig sabihin gutom na siya.
Napangiti ako at bumangon na. "Nagbrush ka na ba ng teeth mo?" Tanong ko.
Tumango siya. "Yes po mommy."
"Good, hintayin mo si Mommy." Nakangiting saad ko, bumangon ako atsaka dumeretso sa banyo para maghilamos.
Lumabas na ako pagkatapos ko maghilamos. "Let's go, Alet." Anyaya ko.
Inilahad ko yung kamay ko at hinawakan naman niya, sabay kami lumabas.
Pagkababa namin ay dumeretso kami sa dinning area.
"Lolo Linus!" Masayang tawag ni Alethea at inalis ang pagkakahawak sa kamay ko atsaka mabilis na tumakbo kay Tito Linus.
Napangiti ako, mukhang hindi umuwi si Icihiro, bakit kasi hindi niya pa ligawan ulit?
"Good morning, Alet!" Masayang bati ni Tito Linus.
"Si Papa Ichiro po?" Tanong ni Alet.
Umupo ako katabing upuan ni Tito Linus at pinagmasdan sila.
"Hindi pa umuuwi si Ichiro."
Kunot-noo naman ako tinignan ni Alethea. "May pinuntahan lang si Papa Ichiro mo." Saad ko.
Tumango si Alet at umupo sa tabi ko. Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato. "Subuan kita o ikaw na lang?" Tanong ko.
"I can do it, Mommy."
Napangiti ako. "Good girl."
"Bata pa lang pero independent na." Saad ni Tito Linus.
"Oo nga po e."
"Mommy." Tawag pansin ni Alethea.
"Hm?"
"Pupunta po ba dito si Kuya Jethro?" Tanong niya.
Tinignan ko siya na kumakain na. "Hindi ko alam e, siguro ay pupunta 'yon." Saad ko.
9:00 pa lang ng umaga baka tulog pa si Jethro.
Lumipas ang isang oras ay may lumapit sa amin na bantay. "Ma'am may naghahanap po na bata sa inyo."
Patayo na ako pero naunahan ako ni Alethea, tumakbo siya palabas kaya ako ay sumunod ako sa kaniya.
Naririnig ko pa ang boses ni Alethea na kausap si Jethro. "Come in, Kuya Jethro! Let's go! Let's go!"
Hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ng bahay ay nakita ko na silang dalawa. Hinihila ni Alethea si Jethro.
Nakita niya ako. "Mommy, kuya jethro is here."
Ngumiti ako. "Come inside, mainit na."
Pumasok naman silang dalawa. "Maglaro na muna kayo, ipagtitimpla ko kayo ng juice." Saad ko.
"Mommy hindi po ba pwede ice cream?" Tanong ni Alethea.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So you will break our deal? Akala ko ba dapat sa thursday palang ang usapan natin? Ibig sabihin next week pa ang ice cream."
Ngumuso siya. "Fine."
Ngumiti ako. "Behave, nakakahiya sa kuya mo." Saad ko.
"It's okay, Mama." Saad naman ni Jethro.
"Maupo na muna kayo." Sabi ko bago pumunta ng kusina.
Matapos ko sila ipagtimpla ng juice ay pinuntahan ko sila. Naabutan ko sila na nanonood ng Power Puff Girls.
Napailing na lang ako, sigurado si Alethea na naman ang may gusto nito dahil favorite niya pinapanood 'yon.
Inilagay ko sa center table yung juice. Umupo ako sa tabi nila. "Kumain ka na, Jethro?" Tanong ko.
Tumango siya kahit nasa pinapanood pa din ang atensyon. "Opo, pinakain na po ako ni Daddy kanina." Saad niya.
Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ni Ichiro.
Napatingin ako sa kaniya. "Pagod na pagod ah." Asar na saad ko.
Nilapitan niya ako. "Umagang umaga no, Thea."
Natawa ako. "Mukhang pagod at puyat ka, hindi ka naman ganyan nung umalis ka."
Umiwas siya ng tingin at umupo na lang sa tabi ko. "Alet, how are you?" Tanong ni Ichiro.
"Papa Ichiro!" Masayang tawag nito at nilapitan si Ichiro para yakapin.
"I miss you, Alethea!" Saad ni Ichiro, at hinalikan si Alet sa pisngi.
Napansin ko na nakatingin si Jethro sa kanila. "You can join them." Sabi ko sa kaniya.
Tinignan niya ako at umiling. "It's okay, Mama." Ibinalik ang tingin sa pinapanood.
Bumalik na din si Alet sa tabi ni Jethro. "You know kuya jethro, I want to know your dad." Sabi ni Alet dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"You can, I will bring you next time." Sabi ni Jethro.
"Anak mo na ang gumagawa ng paraan." Mahinang bulong ni Ichiro, pasimple na kinurot ko siya.
BINABASA MO ANG
Dealing with Jet ✔️
Ficção GeralSwift Twins: Jet Bryce SPG | R-18 Started: February 22, 2021 Ended: Source of Cover Picture: Pinterest