CHAPTER 26

4.2K 130 19
                                    

SINUSUKLAYAN ko ang buhok ni Alethea habang ito naman ay nakatingin sa salamin.

"Mommy."

"Hm?"

"Hindi pa po ba kayo magkakaayos ni Daddy? Dalawang taon na po ang nakalipas. I'm already 7 years old but my family are not yet complete."

Natahimik ako, hindi kasi ganon kadali. Nahihirapan pa din ako, oo nagkakausap kami ni Jet pero tungkol iyon sa mga bata.

Gusto niya magkaayos kami pero ako yung may ayaw dahil takot ako.

"No need to answer." Saad nito.

Napabugtong hininga ako. "Sorry."

Tumayo na ito. "Makikipaglaro lang po ako sa labas." Paalam nito bago lumabas ng kwarto.

Umupo ako sa kama, hindi na kami nakauwi ng bacolod dahil ayaw ni Alet. Gustong gusto kasi niya kasama ang kuya niya at ang daddy niya.

Napatalon ako ng may kumatok sa pintuan.

"Beauty."

Napatingin ako kay Jet. "Pasok ka."

Pumasok ito at umupo sa tabi ko. "May problema ba?" Tanong niya.

Napabugtong hininga ulit ako. "Tinanong ako ni Alet kung nagkaayos na daw ba tayo, 2 years na daw."

"Ano isinagot mo?" Tanong niya.

"Hindi ako makasagot."

"Don't pressure yourself." Saad niya.

Tinignan ko siya. "Nahihirapan siya."

"Trust our own daughter, maiintindihan at maiintindihan niya 'yon."

Gusto din kasi ni Alethea na dito na tumira sa bahay ng daddy niya, kahit ayaw ko ay sumama ako dahil ayoko na malayo kay Alethea. Si Ichiro naman ay okay lang sa kaniya, dinadalaw niya kami dito.

Usapan namin ni Jet na sa ibang kwarto ako matutulog, alam ko at ramdam ko na pumapasok siya sa kwarto ko ng 1 am until 4 am dahil nagigising ako.

Ito naman sarili ko hindi ko makuha na suwayin si Jet. Rupok!

"Kailangan ba magkaayos tayo bago sumaya si Alethea? Napagusapan na namin 'to ni Ichiro noon pero hindi ko inaakala na itatanong sa akin ni Alethea 'yon." Sabi ko.

Nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha niya pero kaagad siya sumeryoso at pakonwari na umubo. "Hm. Beauty, okay na okay sa akin na maging maayos tayo pero iniisip kita."

Napabugtong hininga ako. "Subukan natin." Mahinang saad ko.

Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa braso at pinaupo sa hita niya. "I'm more happy!" Nakangiting saad niya.

"Jet, umayos ka." Nahihiya na sabi ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi. Kinurot ko siya sa utong dahilan para mapadaing siya. "Beauty huwag mo naman masyado ipahalata na namimiss mo ako, pati utong ko magiging kawawa na."

"Ang sinabi ko subukan natin maging okay, hindi ko sinabi na kasama ang paghalik 'don."

Aalis na sana ako sa pagkakaupo sa hita niya pero pinigilan niya ako. "Kasama na 'yon don. Ano gusto mo okay lang pero no kissing?"

Tumango ako. "Yeah."

Mabilis na umiling siya. "It's a big no, beauty." Saad niya.

Umiwas ako ng tingin. "Magiging worth it kaya kung susubukan natin?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo naman, huwag ka lang matakot dahil okay na ang lahat. Hindi naman ulit kita sasaktan kagaya ng iniisip mo. Nagbago na ako, beauty. 1000%." Sabi niya.

"1000%, really?" Tanong ko.

"Yes beauty."

"Okay hindi na ako matatakot." Mahinang saad ko.

Ngumiti na naman siya. "Good to hear that, beauty."

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon