NAKATINGIN lang ako sa kaniya habang mahimbing siya natutulog sa tabi ko.
Hindi pa din nagbabago ang pwesto niya na nakabaon ang mukha niya sa dibdib ko. Kanina lang nag iba nung nakaunan ako sa dibdib niya.
Hinaplos ko ang buhok niya.
'Jet, I'm pregnant' bulong ko sa isip ko.
Hindi ko gusto ilihim sa kaniya pero pakiramdam ko ang anak ko ang mahihirapan.
Hindi ko namalayan na sa paghaplos ko sa buhok ni Jet ay nakatulog ako.
Nagising ako na wala sa tabi ko si Jet, sigurado ay umalis na siya at bukas pa uuwi.
Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maghilamos. Bumaba na ako at dumeretso sa kusina.
Natigilan ako ng may nakita akong pagkain sa mesa. "Mukhang pinagluto niya ulit ako."
Umupo na ako at tahimik na kumain. Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko.
Pagkatapos ko ay umakyat kaagad ako, pumasok na ako sa kwarto namin ni Jet. Natigilan ako ng tumunog yung phone ko.
Pumunta ako sa may vanity at tinignan kung sino ang nagtext. Natigilan ako kung ano ang nabasa ko.
'Ninang Adi mo ito, gamit ko ang cellphone ng papa mo dahil naisugod siya sa hospital. Kailan ka uuwi? Kailangan ka ng Papa mo, Thea.'
Napalabi ako hindi ko alam kung uuwi ako, sa oras na umuwi ako magagalit si Jet pero wala akong magagawa. Kailangan ako ni Papa.
Kinuha ko yung bag ko sa closet at kumuha ng dalawang damit, short at underwear. Dalawang araw lang siguro ako doon hanggang maging okay si Papa.
Lumabas na ako at pababa na sana ng makita ko si Jet. "Jet... Akala ko bukas pa ang uwi mo?"
Napatingin siya sa hawak ko na bag, bigla siyang sumeryoso. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Napalunok ako. "Jet kailangan ko umuwi, kailangan ako ni Papa."
Umiling siya. "No, you can't."
"Jet please, uuwi din ako after 2 days." Saad ko.
Mas lalo siyang sumeryoso. "Do you thing I will believe you? Ganito na ganito din yung senario nung iniwan mo ako."
"Alam mo naman ang dahilan e." Sabi ko.
Inagaw niya yung bag na hawak ko at ibinato pababa sa hagdanan. "Jet!"
"Hindi ka aalis!"
Lalagpasan ko sana siya pero hinawakan niya ko sa braso. "Nasasaktan ako." Saad ko dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Binitawan niya ang braso ko. "Babalik ako huwag mo ako tatakasan, dahil masasaktan na kita."
"Pag balik ko at wala ka na naman lagot ka sakin." Dagdag na saad niya.
BINABASA MO ANG
Dealing with Jet ✔️
Ficción GeneralSwift Twins: Jet Bryce SPG | R-18 Started: February 22, 2021 Ended: Source of Cover Picture: Pinterest