CHAPTER 16

5K 153 22
                                    

ALTHEA

"AYOS ka lang ba?" Tanong ni Ichiro pagkalabas namin ng mall.

Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Oo naman." Sagot ko.

"Don't lie."

Nawala ang ngiti ko at umiling na lang bilang saad na hindi ako okay.

Hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. "I'm here, Althea."

Yumakap ako pabalik. "Thank you, Ichiro."

"Pwede ba tayo pumunta sa papa ko? Matagal ko na siya hindi nakikita e." Saad ko.

"Oo naman, tara." Sabi niya.

Every year kasi ay pinupuntahan ko si Papa, kahit naman sumama ang loob ko ay okay lang dahil nawala na.

Nalaman ko na binayaran ni Jet ang bahay para kay Papa. Ang sabi ni Papa gusto lang daw bumawi ni Jet sa mga nagawa niya kaya kay Papa bumabawi din siya.

Nakatanggap daw si Jet ng suntok kay Papa pero mas malala daw ang nakuha ni Jet kay Tito Harrison.

Pumunta na kami ng parking lot at sumakay sa kotse ni Ichiro. "Mommy saan po tayo pupunta?"

"Kay Lolo Abraham." Sagot ko.

Ngumiti siya. "I'm excited po, mommy."

Ngumiti din ako, tinignan ko si Ichiro. "Tara, alis na tayo."

Tumingin ako sa bintana hanggang makalayo kami sa Mall, naramdaman ko na may pumisil sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm always here." Sabi ni Ichiro.

"Thank you, Ichiro."

Ilan oras lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Papa.

Bumaba na ako, ibinaba ko na din si Alethea.

Kumatok ako sa may pintuan. "Papa!" Sigaw na tawag ko.

Ilan sandali lang ay bumukas yung pintuan. "Anak!" Masayang tawag ni Papa at niyakap ako.

Niyakap ko din siya pabalik. "Kumusta po, Papa?"

"Mabuti naman." Humiwalay si Papa ng yakap at napatingin kay Alet.

Si Alethea naman ay nakatingala na nakatingin kay Papa.

"Ito na ba ang apo ko?" Tanong ni Papa, tumango ako bilang sagot.

Binuhat ni Papa si Alet at pumasok na sila. Tumingin ako kay Ichiro.

"Tara sa loob." Anyaya ko.

Umiling siya kaya hinila ko siya papasok. "Gusto mo pa hinihila." Natatawang saad ko.

Natawa din siya at niyakap na lang ako bigla. "Nakakahiya kasi sa Papa mo."

Hinampas ko siya ng mahina. "Baliw!"

Humiwalay siya ng yakap at naupo sa sala. Umupo na din ako.

Si Papa at Alet ay naglalaro. May napansin akong picture sa tabi ng TV.

Napatayo ako at tinignan ng mabuti. Si Jet at yung batang kasama niya kanina.

"Pa, bakit po meron ka nito?" Nagtataka na tanong ko.

Tumingin sa akin si Papa at sa picture frame na nasa TV.

Hindi niya ako nasagot. "Pa."

Huminga ng malalim si Papa. "Itinuri ko ng apo ang anak ni Jet."

Nagpipigil ako sumigaw. "Pa, alam mo naman po di'ba? Alam mo na hindi ako galit sa bata, sa parents niya doon ako galit."

Tumango siya. "Oo, sinabi ko naman sayo nagbago na siya at humingi siya ng tawad. Hindi mo ba mapapatawad ang batang 'yon? Isa pa walang kinalaman si Jethro kung ano meron sa inyo ng ama niya."

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Papa.

Napabugtong hininga si Papa. "Anak, sana matuto mo siyang patawarin. Palagi siya pumupunta dito kasama si Jethro."

"Jethro? Anak niya?" Tanong ko. Tumango si Papa bilang sagot.

"Hindi naman ako galit sa bata, Papa." Mahinahon na saad ko.

"Mabuti naman kung ganon dahil sobrang bait ni Jethro. Palagi ka niyang tinatanong."

"Huh?" Naguguluhan na tanong ko.

Ngumiti siya. "Palagi ka tinatanong ni Jethro, gustong gusto daw niya makita ang mama niya."

"Mama niya?"

"Ikaw." Sagot ni Papa.

Lalo akong naguluhan. "Sa pagkakaalam ko si Verity ang Mama niya at hindi ako."

"Naikwento ni Jet kay Jethro na dalawa ang Mama niya. Ikaw at ang kaibigan mo."

"Ayos lang sayo 'yon, Papa?" Naguguluhan na tanong ko.

Tumango si Papa. "Isa pa, hindi naman kasi magkasama si Jet at ang kaibigan mo dahil kasal na si Verity sa iba."

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon