Kabanata 10

2K 106 16
                                    


Kabanata 10

 

Harriet POV

Omay-Geee! I’m here na sa South Korea! Grabe ang sarap langhapin ng hangin haha. 3 days ang hinintay ko para lang makarating dito. And now I’m here. It’s my time to shine! Ito na ang pagkakataon ko--- naputol lang ang paged-daydream ko ng bungguin ako ng mga kasunod ko sa pila.

“Araaay ha! Bastusan ba? Impakto!” sarcastic kong sabi. Libre magsalita haha tutal di naman nila naiintindihan eh. Oha!

Napailing na lang ako tsaka huminga ng malalim. I need to calm down. Hindi dapat masira ang compsure ko. Inayos ko muna ang aviator ko tsaka hinila ang maleta ko. Si itay ang susundo sa akin dito sa Incheon Airport.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa airport. Hindi ko na nga rin alam kung saang lupalop na ako nakarating, basta sinusundan ko lang ang mga nasa unahan ko!

At sa wakas, nakita ko rin ang receiving area kung saan nagaantay ang mga madlang people. May kanya-kanya rin silang karatula, damn asan kaya si itay?

Huminto ako saglit sa harap ng mga tao para isa-isahin ang tingin ko banners nila. Halos makabisado ko na ang mukha ng mga tao sa harap ko pero hindi ko pa rin makita si itay.

Nawalan na lang ako ng pag-asa ng unti-unting nawalan ng tao duon. Dala na rin ng sobrang kapaguran at nangangawit na rin ang binti ko sa pagkakatayo kaya naisipan ko na lang na maupo sa isa sa mga upuan malapit duon. Baka traffic or nadelay lang si itay.

Bakit kasi hindi na lang sya tumawag? Aish oo nga, kokontakin ko na lang sya. Bakit ba nakalimutan kong uso na pala ang smartphones?

Kinuha ko mula sa bulsa ng bag kong Gucci ang phone ko. Oha, Gucci yan! Class A nga lang haha, may tawad pa yan.

Agad kong hinanap ang pangalan ni itay sa contacts ko para matawagan. Agad kong narinig ang pagring nito ng itapat ko sa tenga ko ito, napakunot na langa ang noo ko ng may sumabay na ringtone.

Oh shoot! Halos mapa-pokerface na lang ako ng makita ang isang lalaki na na-indian sit sa gitna ng receiving hall. Likod pa lang ng lalaking iyon, ay alam ko na.

Kinuha ko agad ang mga gamit ko at pinuntahan ang lalaking iyon. Ng makarating ako sa likod nya mismo ay tumikhim muna ako na agad naman nakakuha ng atensyon nya.

Talking about epic moments? Pagharap ng tatay ko sa akin ay napateary-eyes agad sya. Oo tatay ko nga. Psh.

“Anaaaak! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako dito? Nilakihan ko na nga yung sulat ko sa bannger eh. Bakit hindi mo ako nakita?”

Ayaw ko na sanang sagutin ang tanong nya. Inabot ko mula sa kanya ang banner tsaka hinarap sa kanya. So now you know kung bakit.

“Ay hala, baligtad pala yung hawak ko haha. Sarreh naman anak. Naexcite kasi ako eh!” sabi nya sabay kamot ng batok nya.

Naalala ko tuloy ang unang pagkikita ko at ng EXO, ganyan din ang eksena. Siguro nga, mana mana lang yan. Phew!

Patuloy lang si itay sa pagwewelcome sa akin at sa pgbibigay ng history about Korea hanggang sa tumawag kami ng taxi. Sa hotel muna ako tutuloy dahil hindi ako pwede sa barracks nila itay.

“So, anong plano mo ngayon na nandito ka na? pupuntahan mo ba agad sila?” tanong sa akin ni itay.

Yung pagtitig ko mula sa bintana ng taxi ay napadako naman agad ang tingin ko sa kanya. Anon a nga ba?

“Hindi ko pa alam itay, siguro personal ko na lang silang pupuntahan sa SMEnt.”

“Uh ganun ba anak? Ano kasi… anak, hindi ganun kadali ang makapasok sa SMEnt. Mga artists, trainees at staffs lang ang pinapapasok duon.”

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon