Chapter 31
Harriet POV
Ng kumalas sa pagkakayakap sa akin si Chanyeol ay saka naman ako dinumog ng iba pang mga members, ang ilan naman ay si manager ang niyakap.
Parang tanga pa akong napahawak sa labi ko kahit na pinagpipiyestahan na nila ako.
"YES! SUCCESS!" sigaw nila. Naggroup hug sila tsaka paikot-ikot na sumayaw. Grabe, pati ako ay naiiyak sa galak.
Sa kabila ng kasiyahan ay bigla akong napatingin kay Kai, ganun din sya pero mukhang kanina pa nya ako tinititigan.I smiled at him pero hindi nya ibinalik ang ngiting iginawad ko sa kanya. Imbes ay iniwasan nya ang tingin ko.
Naguilty naman ako sa nangyari. I'm not that naïve para hindi malaman na nasaktan si Kai, lalo na ng matunghayan ang ginawa ni Chanyeol.
"Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa Korea."
Natigil sila sa pagsasaya sa anunsyo ni Kai. Nakanganga pa si Chen habang nagtatakang nakatingin kay Kai.
"Ang kj mo Kai! Badtrip ka lang siguro dahil bumalik ka na sa sunog mong katawan!" sigaw ni Chen. Pero hindi ata maganda ang naging feedback niyon dahil mas namayani ang katahimikan.
"Not now Chen. Brokenhearted sya, let him heal first bago mo sya i-bully ulit." Tinapik ni manager ang balikat ni Chen.
Humarap naman si manager sa kanila. "Tama si Kai. We need to go back. Babawi tayo remember?"
Napangiti ulit sila tsaka naag-apiran. Excited talaga silang makauwi. Kanya-kanya sila ng pagbibida kay manager at tinanguan na lang sila ni manager ng matahimik na.
Manager, pagkadating natin dun magrecord na agad tayo. Kabisado ko na ang parts ko.
Ako din hyung, miss ko na ang magrap
It's good that we're back. Hindi na ako magpapanggap na magaling na dancer.
"Bago kayo bumawi. Wag nyong kalimutan si Harriet. Sya ang dapat na bumawi. May unsolved case pa sya diba? At umaasa akong makikiisa kayo sa pagtulong sa kanya." Sabi ni manager sa kanila.
"Oo naman manager, asahan mo kami." puno ng determinasyon na sabi ni Suho.
"Manager Dreya. Humanda ka naaaa!" nakakuyom pa ang kamao ni Luhan ng isigaw iyon.
"Magbabayad syaaaa!" nanlilisik ang mata ni Xiumin ng sumigaw sya.
"Dudurugin natin syaaaa!" sigaw din ni Baekhyun.
"Lintek lang ang walang gantiiii!" nanggigigil naman na sigaw ni Tao.
Nagmove forward naman si Chen para sya naman ang sumigaw. Halos lumabas pa ang litid nya sa leeg sa sobrang panggigigil. "SAGING NA LANG ANG MAY PUSOOO-Araay hyung!"
Nawala kaming lahat sa inhibisyon dahil sa panirang lines ni Chen. Kaya ayun, binatukan sya ni Kris. Napatawa na lang ang lahat sa nangyari.
Kinagabihan nuon ay nagsalu-salo kami, selebrasyon para sa pagbabalik ng EXO. Pinilit kong umiwas kay Chanyeol kahit na nilalapitan nya ako. Gusto ko muna sanang makausap si Kai pero sadyang mailap sya. Para syang may tracker na kapag malapit na ako ay tsaka sya lalayo.
Kinabukasan ay nagbalik na nga kami sa South Korea, gabi na ng makarating kami sa Incheon Airport. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Naayos na ang problema nila, yung sa akin na lang ang hindi. Nice diba?
"Salamat Harriet sa pagtulong mo sa amin. Wag kang mag-alala kami na ang bahala kay Dreya. Ito naman ang paraan namin para makabawi sa iyo." Seryosong sabi ni Suho sa akin ng maihatid nila ako sa condo unit ko. Safe na naman sa condo ko dahil nagkalat ang mga security sa buong condominium.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...