Chapter 27
Harriet POV
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Boses yun ng bias ko eh. Too bad, he's not really him.
Bakas ang kalungkutan sa mukha nya. Nakakaguilty na isiping ako ang may gawa nun sa kanya. Ako ang may gawa sa kanila. Ako yung dahilan.
"Wala na ba talaga?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Chanyeol(Kai).
"Ang selfish mo Harriet. Sumikat ka lang. Nagkapangalan ka lang, nakalimutan mo na kami. Ganun na lang ba yun Harriet?"
I've heard enough since yesterday. Kung makakarinig pa ako ngayon, baka di ko na makaya. Kaya naman tinalikuran ko na sya.
"Damn Harriet. Ikaw yung naglakas ng loob na puntahan kami dito sa Korea para kumbinsihin kami tapos mangiiwan ka pala. Edi sana di mo na lang kinuha yung tiwala namin. Paasa ka Harriet."
Hold your breath Harriet. Don't let him see your emotion.
"Aalis na kami bukas. I hope your happy now."
Dun ko na narinig ang yapak nya na paalis, pahina ng pahina yung yapak tanda na palayo na sya. Pero yung tibok ng puso ko, mas lumalakas, mas bumibilis.
Nagring ang cellphone ko. Wala sa sarili kong sinagot ang caller.
"I want you to ruin your own performance tomorrow. I want the world to know that you're not really talented and that you suck as an artist. Make an impression na isa kang walang kwentang artist. Make them hate you. Got that?" mataray na sabi ng nasa kabilang linya. Ruin myself? For what? I'm already destroyed.
"Okay. Basta yung pinagusapan natin. Pabayaan mo na ang EXO. Hayaan mo silang makaalis. " Maamong sagot ko sa kanya, hindi na ako nakarinig ng reponse mula sa kanya. Wag nya lang tatangkaing huwag gawin ang usapan namin. Dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at maisiwalat ko kung sino sya.
~
Tao POV
"Planado na ang lahat guys. Please walang magkakamali or magpapahuli. It's now or never. There's no room for any mistake, kung hindi natin to magagawa. Baka, maging ganito na tayo habambuhay." Malumanay na sabi ni Chen(Suho) hyung.
"Wag na kayong magdala ng bagahe. Bagpack na lang, mahahalata tayo kapag madaming dala, and it's burdensome." Singit naman ni Sehun(Xiumin). Err tatawagin ko ba syang hyung? Eh nasa katawan sya ng maknae. Ang weird nun.
"11pm ang flight natin. 10:30 tayo aalis sa dorm. Okay?"
Um-oo lang kami kay Chen(Suho) hyung bilang pagsangayon.
"Woah! Bukas makakabalik na tayo sa dati!" sigaw ni Luhan(D.O) hyung.
"Waaaah! Miss ko na yang katawan ko!" pasigaw na sabi ni Xiumin(Baekhyun) hyung tsaka nya ako niyakap.
Niyakap, inamoy, at pinanggigilan. -__-
"Hyung wag mo akong halayin." Sabi ko tsaka pilit syang nilalayo sa akin.
"Ang arte mo. Katawan ko naman yan. Kaya pwedeng-pwede ko yang haplusin, lamasin, at pagnasaan!" sigaw nya sa akin.
O__O kinilabutan ako sa sinabi ni Baekhyun hyung. Geez, sana talaga makabalik na kami, ayaw kong mahalay ni hyung. Just the thought of it makes me wanna puke.
"Aish. Tigilan nyo na yan, tara na lang manuod." Sabi ni Sehun(Xiumin)... hyung. Di talaga ako sanay na maghyung.
Napatayo na lang bigla si Lay(Chanyeol) hyung habang nakatingin sa TV. Napatingin din ako sa pinapanuod nya. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang news flash.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...