Chapter 24
Harriet POV
"Harriet!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin, pero agad din akong tumalikod. Damn, andyan na naman sila. Hindi talaga nila ako titigilan. Sino pa ba? Si Kai at Chanyeol lang naman. Binilisan ko ang paglalakad, nasa pasilyo kami ng 3rd floor ng SM building. Nagalangan akong tumingin sa paligid. Baka may makakita sa amin, kailangan kong mag-ingat.
"Para sayo." Sabay pa nilang sabi tsaka inalok ang bulaklak. Yung kai Lay(Chanyeol) ay roses yung kai Chanyeol(Kai) naman ay white lilies.
Nagpasalamat ako sa kanila at ngumiti ng medyo awkward. Siguro ang iniisip ng iba, ang swerte-swerte ko dahil nasa ganitong sitwasyon ako. Pinag-aagawan ng dalawang EXO member. Oo nakaka-overwhelmed nakakataas ng confidence kasi feeling mo ang ganda-ganda mo na pero may kaakibat din itong negatibong bagay.
Mahirap, yung tipong hindi mo na gugustuhing pumili kasi manghihinayang ka na mawala sa iyo yung isa. Nakakalito na rin. Dati kasi isa lang naman ang choice. It will always be Chanyeol, pero nung pumasok na sa eksena si Kai, nagulo na ang sistema ko. Pesteng Kai.
"Ah wala ba kayong rehearsal ngayon?" tanong ko.
"Tapos na kami sa dance choreography Harriet. Napanuod mo sana ako, ang galing ko eh. Di tulad ng isa dyan, hindi makasabay sa sayaw." Pagpaparinig ni Chanyeol(Kai).
"At least, ako ang nagcocompose ng kanta natin. Oo nga pala Harriet, malapit na ang recording namin. Manuod ka ha." Aya naman sa akin ni Lay(Chanyeol).
"Ah kailan ba yun? Baka kasi may schedule ako ng time na yun." Nagaalangan kong sabi.
"Next week na yun. August 14." Lay(Chanyeol) replied.
Tumango na lang ako, sinabi kong titignan ko muna ang schedule ko at ipapaalam ko na lang sa kanila kung makakadalo ako.
"Harriet, may pinapasabi pala si Suho hyung. Kailangan ka daw naming makausap tungkol dun sa pagbalik namin ng Pilipinas." Singit ni Kai.
Napatampal na lang ako sa noo ko. Bakit ba nakalimutan ko yun?
"When?" tanong ko.
"Tomorrow night."
Napamura na lang ako sa isip ko. "Sorry guys, may interview ako sa press ng gabing iyon. Pasensya na talaga." Paumanhin ko sa kanila.
"Okay lang Harriet, sasabihin ko na lang kay Suho hyung." pagaalo naman sa akin ni Lay(Chanyeol).
Nagpasalamat ako sakanya, hinatid nila akong dalawa hanggang sa practice room ko. Kailangan ko pa rin kasing magpractice para ma-perfect, especially pagdating sa vocals.
Binantayan pa rin nila ako hanggang sa matapos ang rehearsal ko, nag-agawan pa sila sa pag-alok ng tubig. Pareho ko naman iyong kinuha. Baka magtampo pa ang isa sa kanila.
Who say's madali ang sitwasyon ko?
Pagdating ko sa condo unit ko ay may nakalagay na note sa pintuan. Kinabahan ako dahil baka galing na naman iyon sa nagpadala ng box. At tama nga ako.
8:00 pm. SM Entertainment building. Rooftop. Be there, alone.
~
Kai POV
Wala ng atrasan to. Ako ang nagchallenge kay hyung and he already declared the war. Sinabi ko sa kanya dating hindi sya dapat ma-bother sa akin dahil hindi ko naman gusto si Harriet. Pero damn, hindi ko naman kontrolado ang lahat, nagising ako na si Harriet na ang tinitibok ng puso ko. Corny right? Yun ang nararamdaman ko eh.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
ФэнтезиNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...