Chapter 32
Harriet POV
Halos lahat sila ay nagreklamo at umapila sa ginawa ko. Hindi ko naman sila masisisi. Sobra yung ginawa sa akin ni manager Dreya pero sinuklian ko pa sya ng kabutihan. Hindi naman sa nagpapakabanal ako, pero yun ang sinasabi ng puso ko eh.
Ayaw kong mabuhay ng may hate sa puso so pinatawad ko sya. At naniniwala akong kaya pa nyang magbago, kailangan lang nya ng tamang paggabay. Dapat talaga dasalan sya everyday. Lol.
Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. May gagawin pa ako. May importante pa akong dapat na gawin. At ito ang tama. Ito ang kailangan ko.
Niyakap ako ng CEO ng SM Entertainment, sumunod ay ang mga board members. Nginitian ko lang sila.
"Sigurado ka na ba Eugene-este Harriet?" tanong muli ni CEO.
Tumawa na lang ako. "Oo naman. Sure na sure na ako."
"Hay! I still can't believe that you blackmailed us." Nakanguso nyang sabi.
"Haha syempre. Sa iyo ko natutunan yun!"
Tumawa naman sya habang napapailing.
Ng sumunod na araw ay naging busy na ako. Ang dami ko kasing inaayos. Pinaghahandaan ko pa yung speech ko pero sa huli, wala akong naisulat. Bahala na siguro, sasabihin ko na lang kung ano ang nasa puso ko.
Pagkatapos nito, kakausapin ko na ang EXO, magpapasalamat ako sa kanila. Siguro iyon na din ang tamang oras para kausapin ko si Kai, magsosorry ako. Deserve naman nya yun. Ganun din kay Chanyeol, gusto ko lang linawin ang lahat.
Huminga ako ng malalim tsaka naglakad papunta sa conference room. Ng mamataan ako ng media ay agad nila akong kinuhanan ng litrato. Madami pang nagtatanong pero hindi ko na sila sinagot. Moment ko to. Sasabihin ko lang lahat ng nararamdaman ko.
May pahabang lamesa roon at pinaupo ako sa pinakagitna. May microphone na sa pwesto ko. Ngayon ko naman naramdaman ang kaba. Sana pala talaga, nagsulat ako ng sasabihin ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita. This is it.
"Good morning. Nagpatawag ako ng press conference para ianunsyo ang isang importanteng balita. Una sa lahat, gusto ko munang ikwento kung ano ba ako noon."
Lumunok muna ako dahil feeling ko nauubusan ako ng laway.
"Isa lang akong ordinaryong babae sa aming bayan. Well, slight siguro haha. Sumasali kasi ako sa mga beauty contest kaya medyo kilala rin ako ng mga tao dahil suki na ako tuwing may pyesta. Kontesera eh. Yun ang gusto ng nanay ko para sa akin, ang maging beauty queen, kahit isang beses lang. But unfortunately, I never won. I became devastated, then nakilala ko ang mga taong ito. Naging fan ako. Sila yung naging takbuhan ko kapag bigo ako sa contest, kapag bagsak na naman ako sa exam, kapag ubos na naman ang allowance ko. Mula sa maliit hanggang sa malaking bagay, sila ang takbuhan ko. Mapanuod ko lang sila, masaya na ako."
Ngumiti na lang ako habang naaalala ang lahat.
"Yun ako eh, sa pagfafangirl ako nagkaroon ng fulfillment. Kahit na hindi naman nila ako kilala pero nararamdaman kong parte ako nila. Until one day, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaharap ko sila. Nakasama ko sila. Nagkaroon man ng problema, hindi ko sila iniwan. I stayed. Dun ko nakita ang tunay na sila, akala ko kilala ko na sila dahil sa nababasa ko sa mga blogs. Pero hindi pala, ibang-iba. Kapag fan ka, gusto mo maging boyfriend/girlfriend at asawa mo yung idol mo. Pero ako, kahit kaibigan lang. Sobrang kuntento na ako."
Huminto ako saglit. Dun ko nakitang nakikinig na lang pala sila sa akin imbes na kumuha ng litrato o magsulat ng sinasabi ko.
"Hanggang sa umalis sila. Umalis silang may problemang dala. Ang kapal nga ng mukha ko para isiping ako ang solusyon. Syempre, dream ko lang. Sinundan ko sila. Nangako ako sa kanila na tutulungan ko sila. Pinangako ko. Akala ko din madali lang, nung dumating kasi ako dito. Ang top priority ko lang naman ay ang matulungan sila... yun ako noon..." napahinto ulit ako para punasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...