Kabanata 14
Harriet POV
Napahawak na lang ako sa noo ko. Patuloy ang kislap ng mga flash ng camera sa akin. Halos hindi ko makita ang daan maging ang mga tao sa harapan ko. Geez! Paano ako makakatakas?
Akala ko yun na ang katapusan ko. Ng bigla na lang akong hatakin ng isang babae out of nowhere. Sya na mismo ang nagpalihis sa mga taong tumutulak sa akin.
“Takpan mo ang mukha mo. Gamitin mo ito Hari.” Sigaw nya at inilahad sa akin ang sweater nya.
Teka… Hari? Hari ang tawag nya sa akin? isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun… di kaya…
“Paraanin nyo kami! HEY! Wag nyo kaming harangan! You-SHIT hey, don’t pull my hair you stupid! LAYAS! Hoy, isaksak ko sa baga mo yang camera. TABI! Shupi!” the woman shouted at the crowd.
At dahil sa inasta nya ay mas nakumpirma ko na kung sino sya. Damn. Bakit nandito sya?
Napabalik na lang ako sa kasalukuyan ng hilahin nya ako habang tumatakbo. Sumusunod pa rin ang mga tao. Geez. Di naman sila ganun karami pero gumagawa sila ng eksena dito sa mall.
Huminto kami sa may parking lot. Nagtago kami sa isang pulang van. Mabuti na lang at medyo naligaw yung mga humahabol sa amin. Napakadaming sasakyan naman kasi ang nakaparada. Nagpalinga-linga pa muna ang kasama ko na tila may hinahanap sa mga nakapark na sasakyan. Nagulat na lang ako ng bigla syang mag-snap tsaka nya kinuha ang susi nya sa bulsa nya at may pinindot. Kasabay naman nuon ang pagtunog ng isang sasakyan.
Binitiwan naman nya ang kamay ko at tumakbo paroon sa sasakyan nya siguro. Intuition ko na lang ang nagsabi na sumunod ako sa kanya kaya agad din naman akong humabol sa kanya.
“Get in. Dali.” She commanded habang pumupwesto sa driver’s seat.
Ako naman ay agad na sumakay. Agad nyang pinaharurot ang kotse ng magstart ito. Aargh. Muntik pang humampas ang ulo ko sa bintana dahil hindi ako nakapagseatbelt. Eh malay ko ba naman kasing napakacareless nya pa lang driver. Kumapit na lang ako sa upuan. Ah, wag naman sana kaming maaksidente.
Ng baybayin na namin ang hi-way ay kumalma na sya sa pagpapatakbo ng sasakyan. Mabuti iyon at sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag.
“Kailan ka pa dito?” malamig ang boses nya at diretso lang ang tingin sa daan.
Napalunok naman ako ng bahagya. Nakakatakot sya. “I uh. 2 weeks? He-he” parang ang awkward namang tumawa pero pinilit ko pa ding ngumiti.
“2 weeks na pala… tapos di mo man lang nasabi?”
Mas lalong naging mabigat ang paghinga ko. I know kasalanan ko. Pero masisisi nya ba ako? Pagkatapos ng graduation namin ay hindi na sya nagpakita. “Galit ka ba? Okay lang yan. Para malaman mo din yung naramdaman ko nung nagpunta ka dito sa Korea ng di nagpapaalam sa akin.” madamdamin kong sagot.
Napaawang naman ang bibig nya at pinagmasdan ako saglit at muling binalik ang tingin sa daan.
“Look Hari. I’m sorry, okay? Matagal na akong nagsosorry, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad? Pinaliwanag ko naman sayo na biglaan ang pagalis ko dahil kailangan ako nila daddy.”
“Tss. Kahit na.” nguso ko tsaka inirapan sya kahit na hindi naman sya nakatingin sa akin.
“Stop rolling your eyes.”
Mas lalo akong napanguso. Kilala nya talaga ako. Sya lang ang nakakapredict sa akin.
“Tss. Bahala ka sa buhay mo.” I murmured.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...