Huling Kabanata

1.6K 92 33
                                    

Huhuhu. Last part na ituuu! Sabog confetti! Tantananan! Nakakalungkot na medyo masaya, haha. Nakatapos na naman. Pasensya na, ito lang ang nakayanan. Medyo mahaba-haba itu. Pagtiyagaan na. Maraming typos.

Please i-comment nyo ang reactions nyo or opinion haha.

May EPILOGUE pa po. Kalma lang.

————————

Final Chapter


Harriet POV

Isang ordinaryong araw na naman ang lumipas. Ganun pa rin, walang pinagbago. Bahay at restaurant lang ang destinasyon ko. Wala pa rin akong balita sa EXO, I mean yes may balita ako sa kanila regarding sa career nila. What I mean is yung pagpaparamdam nila. Mamumuti na nga ang mata ko sa kahihintay, wala pa rin silang feedback sa akin.

Bakit kaya ganun? Minsan nga niloloko ko na lang ang sarili ko nab aka nagpe-prepare sila ng bonggang surpresa sa akin. Pero bakit ganun? Hanggang ngayon wala pa rin yung inaasahan kong sorpresa? Bakit antagal naman nila?

Ako na lang kaya ang magpunta sa kanila? Tss, ilang beses ko na yang pinag-isipan. Kaso, pinapangunahan ako ng takot ko na baka pagdating ko dun ay wala na akong abutan. Na baka, ako na lang pala yung umaasa tapos sila, limot na pala ako.

Napaparanoid na talaga ako sa kaiisip ng mga pwedeng mangyari. Nakakabaliw! Parang naging isa na rin ako sa mga babae at binabaeng nabaliw sa pag-alis ni Zayn Malik sa 1Direction. Nawawala na ako sa katinuan.

Umay na umay na ako sa buhay ko ngayon. Idagdag pa itong mga tambay sa restaurant ko. Yes, sila yung mga bumili lang ng pinakamurang pagkain tapos tumambay na sa resto mula lunch hanggang dinner time. Itong mga tambay na ito talaga ang nagpapalugi sa negosyo ko. Pero ayos lang, napapasaya naman nila kahit papano ang araw ko. Ang sarap lang nilang barahin tuwing pinepeste nila ang pananahimik ko.

"Harriet! Hukay ka ba? (kinikilig) Kasi... gusto kong mahulog sa iyo eh! PAAAAK!"

Banat iyon ng isa sa apat na tambay dito sa restaurant. Sabi ko naman sa inyo eh, yan lang ang ginagawa nila sa maghapon. Ang pestehin ako. Pero syempre, may pambawi ako.

Tumingin din ako sa kanya na tila kinikilig "Berto. Hukay ka din ba?"

Kuminang naman ang mata ni Berto. "Kasi... gusto kitang tabunan ng LUPA! Leshe. Tantanan mo ko!" irap ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga crew ko at iba pang natitirang customer.

Natigil lang ang tawanan ng biglang sumigaw at napapadyak si Kanor, isa sa mga tambay.

"Ano ba naman itong pagkain nyo! Lasang tae! Eeeeww!" sigaw nya. Malakidlat na nagtungo papunta sa gawi namin si Inay tsaka malakas na tinapok si Kanor. Patay kang bata ka!

"Masarap ang luto ko oy! Mas nakakadiri kang kabayo ka! Siguro nakatikim ka na ng tae kaya alam mo ang lasa!" banat ng nanay ko na nagpalakas lalo ng tawanan na pinangunahan ni Ginger, ang baklang waiter este waitress ko.

"Hoy! Manahimik ka Luya! Baklang walang ganda!" pagbabawal naman ni Puchoy kay Ginger, isa rin sa tambay si Puchoy.

"Puchoy! Kung kasalanan lang ang pagiging pangit! Ikaw na siguro ang pinakamakasalanang tao sa mundo!" bulyaw naman sa kanya ni Ginger hanggang sa ayun nagsuntukan na sila. Di nya alam, kahit beki si Ginger ay may tinatago pa rin syang muscle.

"Harriet. Kailan mo ba ako sasagutin? Isang taon na akong nanliligaw sa iyo. Baka pwedeng marinig ko na ang matamis mong 'OH-OH!" Malakas na sabi ni Gardo. Napakunot na lang ang noo ko. Kailan ko pa hinayaang ligawan nya ako?

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon