Kabanata 2Harriet POV
April 26, Saturday.
Nagulat na lang ako ng may tumakip sa mga mata ko mula sa likuran. I can sense him, I can smell his scent. That could be only him.
“Hulaan mo kung sino ako” mapanloko nyang bulong sa tenga. That deep voice that has the power to give shivers through my spine. I knew it, it’s him… Chanyeol.
Napangiti na lang ako, “You finally came.” Sabi ko. Hindi pa rin nya tinatanggal ang palad nya na nakatakip sa mga mata ko. “I’m always here” bulong nya sakin.
Yun na ang naging hudyat ng pagharap ko sa kanya. Yung ngiti ko kanina, napalitan ng confusions. Who’s this guy? Hindi sya si Chanyeol. Matutuwa na sana ako kung sya itong lalaking nasa harap ko ngayon pero hindi ko sigurado. Is this Chanyeol? But, but his face is blurred. Hindi ko alam.
Mas lumapit ako sa kanya para mapagaralan ko ang mukha nya, nagkaroon ako ng lakas ng loob para haplusin ang mukha nya pero hinawakan nya ang mga kamay ko na tila pinipigilan ako sa gagawin ko.
“Tandaan mo Harriet… Puso ang ginagamit sa pagmamahal, hindi ang mga mata”
Puso ang ginagamit sa pagmamahal, hindi ang mga mata
Puso ang ginagamit sa pagmamahal, hindi ang mga mata
Blaaaaaag!
“Waaaaaah!”
Naknangtokwa naman! Juskopo, ansakit ng balakang ko. Ang weird naman na panaginip yun. Napakamot na lang ako sa ulo ko, nasobrahan ata ako sa panunuod ng mga teleserye, pati ba naman sa panaginip ko dadalawin ako ng unknown prince charming ko?
“Anak naman, anong bang nangyayari sayo? Akala ko naman kung napano ka na” napatayo agad ako ng bumungad sa pintuan si inay, may apron pa syang suot tsaka hawak na sandok.
“Hehe, nahulog lang po ako sa kama. Ayos lang po ko nay!” tsaka ako nag sign ng two thumbs up sabay ngiting plastic. Syete, ansakit talaga ng balakang ko. Feeling ko, umurong yung pelvic bone ko.
Nagpahinga naman ng maluwag si inay “Oh sya, mag-ayos ka na. Susunduin mo pa sa airport yung mga boss ng ama mo!”
Napatanga lang ako sa sinabe ni inay. Teka, anong araw na ba ngayon? Sabado na ba? Ngayon na ba yun? “Aray. Inay naman. Bakit nyo ko tinuktukan ng sandok?”
Nagpameywang pa sa harap ko si inay tsaka nagtaas ng kilay. “Patunga-tunganga ka pa kasi dyan, eh kung nag-aayos ka na. Sige hala, tumayo ka na dyan at maghanda ka na.”
Wala na akong nagawa kundi sundin si inay. Boss ko yan eh, boss din yan ng tatay ko. Mabilis akong naghanda. Oo mga isa’t kalahating oras lang naman. Bumaba na ko tsaka tumungo agad sa kusina. Woah, peyborit ko toh, tapsilog!
“Oh aba’t mabuti naman at naisipan mong bumaba na…” masungit na sigaw sa kin ni inay. Di ko lang sya pinansin at sumubo ng sumubo, ayaw kong ma-spoil ang moment ko with my tapsilog.
Peeep peeeep peeeep!
“Oh andyan na ang sundo mo dali. Lumayas ka na. Galingan mo anak ha, wag mong ipahiya ang tatay mo. Siya pa naman ang nag-recommend sayo. Tsaka konting landi na din nak, malay mo makabingwit ka diba?”
I just rolled my eyes on my mom. Iniwan ko na sya dung nagde-daydream. I swear, kung kani-kanino na ako pina-date ni inay. Gosh, pati ba naman sa anak ng kapitan ng barangay namin? Di naman ako ganun kadesperada no! Wag kayo agad mang husga, di ako ganun ka-inosente. Nagkaboyfriend naman ako. Dalawa nung highschool tsaka isa nung college. But as of now, nu-uh. I’m single.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...