Chapter 34
Harriet POV
Mariin kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Black pencil skirt, navy blue corporate blouse, black blazer, stockings and black heels. Samahan pa ng updo hair ko na tila dinilaan ng baka sa pagkapulido ng pagkakasuklay.
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nilagay ang pin ko sa kanang bahagi ng tela ng blouse ko.
Ms. Harriet L. Garcia, Manager
Yes. Isa na akong manager ngayon. Sayang naman ang pinagaralan ko kung hindi ko gagamitin. Aba kahit naman panay tres ang grades ko atleast madiskarte ako pagdating sa working place.
Ng makauwi ako dito sa pilipinas ay naging mainit ang pagtanggap sa akin. Syempre, nakilala na rin ako ng mga tao. Noong una ay inalok pa ako ng kontrata ng Star Magic at ng iba't iba pang talent agency, pero tinanggihan ko lahat iyon. I am so done with showbizness.
Lumabas na ako sa kwarto ko at tsaka nagpahatid sa driver papunta sa restaurant ko ang "Harmony Bliss Restaurant"
Nakakuha ako ng pera sa net income ko sa pagiging kpop artist. Yun ang ginawa kong puhunan para makapagtayo ng sarili kong restaurant. Hindi naman ako mahilig sa pagluluto pero ito ang naisip kong negosyo. Gusto kong maranasan na i-manage ang sarili kong business. Ang inay ko na ang naging chef kasama pa ang dalawa nyang katulong dati sa kanyang karinderya. Ang mga waiter and waitresses naman ay ang mga pinsan kong ubod ng kulit.
Mabilis na nakilala ang restaurant ko. Siguro dahil na rin sa akin. May maganda rin palang maidudulot ang pagiging sikat.
Oh! at alam kong nag-iisip kayo tungkol sa pambablackmail ko sa SM Entertainment. Well, hindi naman actually ganun ang nangyari. Maayos ang naging usapan sa pagitan ko at ng management. When I said that I wanted to quit, syempre nagalit sila. They even threatened me na idedemanda nila ako for termination of contract. Prinovoke ko sila. Binuksan ko ang kaso ni Eun Hye. Dun na sila nasindak. They know na may share din sila sa nangyari kay Eun Hye.
Matagal din kaming nagtalo at nagdebate sa gusto kong mangyari hanggang sa makarating kami sa iisang desisyon. They'll let me go, pero hindi pa matatapos ang contract ko. After 2 years pa matatapos ang kontrata ko. Hahayaan nila ako sa gusto ko na umalis pero bawal akong pumasok sa ibang kontrata.
So basically, isa pa rin akong artist ng SM Entertainment. Let's just say na isa akong INACTIVE artist.
"Miss Harriet may gusto pong kumausap sa inyo sa labas." Tawag sa akin ng isa sa mga waiter. Tumango naman ako sa kanya at sinabing suusnod na ako.
Nagretouch muna ako bago lumabas. Sino naman kaya iyon? Iginiya ako ng waiter sa kinaroroonan ng gustong kumausap sa akin.
Nakatalikod sila sa akin. Napangiti na lang ako ng malaman kung sino sila.
"Good morning!" bati ko sa kanila.
Napatigil naman sila sa kanilang ginagawang pagbabasa ng dyaryo ng marinig nila ako. Tumayo naman sila para magbow sa akin.
"Miss Eug- este Harriet pala. Hehe. Nandito na naman kami para interviewhin ka para sa isang segment ng show namin. Representative kami mula sa TwinTV."
Nginitian ko naman sila at sinabihan na maupo. Yes, mga reporters na naman. Open naman ako sa pagpapa-interview kung may time. Matagal-tagal na rin ng huling may maginterview sa akin mula sa South Korea.
Nagset muna kami sa restaurant, dun sa pinakamagandang ambiance nito tsaka na nila sinimulan ang pagtatanong. Puro about sa kung ano ng kalagayan ko, kung masaya ba ako sa buhay ko, mga ganung tanong lang.

BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantastikNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...