Kabanata 15
Harriet POV
Akala ko matatakasan ko na ang pagiging artist pero hindi pala. Isang linggo matapos naming magusap ni Jenny ay napagisip-isip kong wag nang ituloy iyon. Naisip kong hindi lang pagaartista ang trabaho na pwede kong pasukan. Marami pa, nag-apply nga ako sa mga restaurants at ilang hotels sa loob ng isang linggong iyon. At dalawa sa inaplayan ko ay tumawag na sa akin for the final interview. Akala ko okay na ang lahat.
3 days after, parang isang bomba ang pinasabog sa akin. Pinadalhan lang naman ako ng notice para sa kasong isinampa sa akin.
Pinagsawalang bahala ko iyon. But after 2 days, umuwi si itay sa apartment na tinutuluyan ko. Tinanggal daw di umano sya sa trabaho ng walang dahilan. Dun pa lang alam ko na. May kinalaman ang CEO doon. At masakit sa akin na ang malaking parte nito ay kasalanan ko din.
So this is it. Kailangan ko ng harapin ang problema ko. Ayaw ko ng madamay pa ang mga tao sa paligid ko. Napakatuso ng nila, alam nila ang kahinaan ko. Alam nilang bibigay ako.
Tinahak ko na ang daan patungo sa main entrance ng building.
“I.d mo miss.” Puna sa akin ng guard. Aish, hanggang ngayon ba naman? Yan pa rin ang tanong nya? Malapit ng magsecond half ang istorya ah.
“Wala.” Sagot ko naman.
“Pasensya na peroo hindi ka pwedeng pumasok kung wala-”
“Ako si Eugene. May appointment ako with the CEO. Paki-confirm na lang sa secretary nya.”
Tumango naman sya ng sinabi ko yun. Nagpunta sya sa front desk at sinabi ang pangalan ko at ang pakay ko dito. Ang clerk na ang tumawag sa secretary.
Pagkatapos makumpirma ay pinapasok na ako ng guard. May sumalubong naman sa akin na babaeng matangkad at nakacorporate attire. Mukha syang bata, maganda. Pero sa tagal ko na din dito sa Korea parang nasanay na rin ako. Medyo mapanlinlang talaga ang mga mukha nila, if I know ay nasa late 30’s na sya.
Sinamahan nya ako hanggang makarating sa iang kwarto. Ah, coference room siguro ito. May pahabang lamesa kasi tapos pinaliligiran ng mga upuan na para siguro sa board members.
“Do you want any refreshments?” tanong sa akin nung babae. Aba, may accent.
“Err. T-tubig na lang. Please.” Idadagdag ko pa sanang gawing isang gallon ang ibigay sa aking tubig. Naguumapaw kasi ang kaba na nararamdaman ko. anytime parang sasabog.
Ang lakas ng loob ko kaninang magpunta dito pero ngayon feeling ko nagiging jello na ang tuhod ko.
“CEO.” The woman on my back acknowledges the person who suddenly enters the room.
Nanindig ang balahibo ko sa pagkarinig pa lanag ng yabag ng sapatos nya. For sure, leather yun. Aish, bakit ba yun ang iniisip ko? focus Harriet.
Nilapa nung babae ang isang baso ng tubig sa harap ko tsaka agad ding lumabas.
Nakatitig lang ako sa basong nasa harapan ko. damn, I’m so nervous!
“Kamusta ka Ms Harriet Garcia.” Panimula nya.
Nag-angat naman akoo ng tingin at bumaling sa kanya. Naka-lean sya sa swivel chair nya habang nginingisihan ako. Sa tingin ko ay halos kasing-edad nya ang tatay ko.
I gulped before I answered “Maayos naman ako.”
“Shall we proceed to the discussion of your career?” tanong nya tsaka bahagyang tumayo at inabot sa akin ang isang folder. Bumalik din sya agad sa upuan nya.
BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
خيال (فانتازيا)Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...