Kabanata 12

2K 119 16
                                    

Kabanata 12

 

Harriet POV

“Hah?”

“Ano?”

“Totoo ba?”

Gulat nilang tanong, ang sakit sa eardrums ng sigaw nila ha, infairness.

“Oo nga, paulit-ulet? Pangsiyam na beses na kayong nagtanong ah!” inis kong sabi.

“Pero Harriet, hindi kami pwedeng basta na lang bumalik sa Pilipinas. Madaming proseso pa ang kailangan.” Seryosong saad ni Suho(Luhan).

Napayuko na lang ang ibang members, “Eh bakit nagawa nyo dati? Ang oa nyo ha, para din naman sa inyo ito.” Sabi ko.

“Harriet hindi na katulad ng dati ang sitwasyon. You see? Trainee na ulit kami, at siguradong hindi kami papayagan ng board na magbakasyon ulit dahil mas priority ang maibalik kami sa industriya.” Mahabang saad ni Chen(Suho).

Aish!

“Tsaka, paano ka nakakasiguro na alam nga nung ‘koyang driver’ ang solusyon?” tanong ni Sehun(Xiumin) na nilalantakan ang dalawang siopao sa magkabilang kamay nya.

“Hindi rin ako sigurado, pero sa mga sinabi nya ay tumutugma lahat sa mga nangyari sa inyo. Tsaka, wala namang mawawala kung susubukan nyo yung sasabihin nya eh.”

Sandaling katahimikan ang pumaloob sa kwartong iyon. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita ulit si Chen(Suho).

“We wouldn’t take that risk Harriet.”

“P-pero, malay nyo naman magwork diba? Yung na lang ang option na natitira.”

At ayun nga, sunod-sunod na ang pangdadahilan nila na kesyo baka pagalitan sila, baka matanggal na talaga sila sa SMEnt. Aish.

“Hindi ba pwedeng si ‘koyang driver’ na lang ang pumunta dito? Sasagutin ko na lang ang travelling expense nya.” Suhestyon ni Chen(Suho).

Edi ikaw na mayaman!

“Hindi nga pwede. Kailangan nyong bumalik sa pinangyarihan ng aksidente. Sa magnetic hill.”

“Pero bakit doon pa, may bundok din naman dito sa Korea, ano bang pinagkaiba nun?” tanong naman ni Luhan(D.O).

Ang kukulit ng lahi ng mga ito. “Kasi nga… ay basta. Kailangan nyong bumalik sa Pilipinas, si koyang drivier na ang magpapaliwanag sa inyo at---”

Hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita dahil may pumasok na lalaki. Damn, si manager Heechul pala.

“Oh sino yan?” nagtatakang tanong nya habang tinuturo ako.

“Uh, haha. Inaalok ko lang ng mga bagong products ang EXO haha. Ah baka gusto mo din manager. May BB cream dito.” Palusot ko.

Napangiwi lang si manager tsaka tumingin sa EXO. “Kamusta na kayo? Nahirapan ba kayo sa training?”

Uh-kay di na ako kailangan dito. Pwede na siguro akong magdisappear.

Tatayo na sana ako at aalis sa lugar na iyon ng hawakan ni Chanyeol(Kai) ang kamay ko.

Nagtaka pa ako kung bakit nya ako pinigilan pero may nilagay lang pala sya sa kamay ko. Ng tignan ko ito ay cellphone pala. Hala, cellphone nya ba ito?

Pinipilit kong ibalik ito sa kanya pero pinigilan nya ako. Sumenyas pa sya na wag akong maingay, sa huli wala ana akong nagawa kundi kunin iyon. Ngumuso na lang ako dahil sa kakulitan nya.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon