Kabanata 4
Harriet POVMay 2, Friday
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Medyo naninibago pa ako sa pagregister ng liwanag sa akin, pero kalaunan ay nasanay na din ako. Panay puti ang nakikita ko, ospital toh malamang. Ang huling naaalala ko naaksidente kami. Oh sh-it, ang EXO, nasaan sila? Maayos kaya sila? Minasahe ko muna ang sintido ko para makapagrelax.
Kailangan kong kumalma walang magagawa ang pagpapanic. Huminga ako ng malalim, bago nagdesisyong tumayo.
“Woah. Easy there.” Pigil sa akin ng isang lalaki. Mukhang koreano din.
Tumikhim na lang ako, di ko sya kilala. Sigurado naman akong hindi sya nurse o doctor. Mukha lang naman syang sibilyan. Hindi ko na lang sya inabala na tanungin kung sino sya.
Pinagmasdan ko lang syang inayos ang mga prutas na dala nya sa isang basket. Nakangiti lang syang ginagawa yun. Medyo may saltik ata ang taong ito. Sa wakas ng natapos sya ay bumaling na sya sa akin.
“Ako nga pala si Kim Heechul. Ang manager ng EXO.”
Napalitan ng pag-asa ang ekspresyon ko, nagbow lang din ako sa kanya. Tsaka nakipagkamay at nagpakilala. Hindi ko napigilang mapaluha.
“Pasensya na talaga. Hindi ko naman alam na maaksiden---”
Pinigilan nya akong magsalita. Tsaka ako pinakalma.
“Hindi mo kasalanan. Walang may gusto ng nangyari.”
Ng kumalma na ako ay tsaka ko naisipan na itanong ang lagay ng EXO.
“Ang… ang EXO. K-kamusta sila?” medyo nauutal kong tanong.
“Ahm good news o bad news? Anong gusto mong unahin ko?” tanong nya sa akin habang inaayos ang upo nya sa gilid ng kama ko.
“Ah. Good news?” may pagaalinlangan kong tanong.
“Orayt. Good news, ligtas na sila. In fact wala nga silang damage. Internal and external. Normal lahat ng vital signs nila. Parang wala ngang nangyaring aksidente.” Kalmado nyang sabi.
“Eh bad news?”
“Bad news is… they are still unconscious. Hindi maipaliwanag ng mga doctor kung anong dahilan pero sinabihan naman nila kami ng assurance na magigising din sila anytime.”
May naglandas na naman na mga luha mula sa mga mata ko. May parte sa akin na masaya dahil ligtas sila. Mayroon naman malungkot dahil hanggang ngayon, wala pa rin silang malay.
Napag-alaman ko din na 3 days na akong unconscious. Pinayagan na rin akong lumabas ng ospital makalipas ang 2 araw, kailangan na lamang i-settle ang bills. Mabuti na lamang ay ang company na ang sumagot nun. Nakausap ko na din ang nanay ko at mukhang hindi magandang desisyon iyon dahil lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa pagngawa ng nanay ko. Maayos na din si koya driver. Salamat sa Diyos, maayos ang lahat.
May 5, Monday
Ngayon na ang araw ng paglabas ko ng ospital. Sa resthouse ng EXO na ako tutuloy, sa Aurora iyon. Sobrang layo ng lugar na iyon, pero kailangan daw dahil tahimik doon at kailangan din nilang magtago pansamantala. Habang nasa byahe, patuloy lang ang pagkukwento ni manager about sa EXO. 6 days na ang nakalipas mula ng aksidente at di pa rin sila nagigising. Nagsisimula na akong mabahala.
Nanibago ako sa ambiance ng resthouse. Dalawang palapag din ito at malapit din ito sa pampang. Mas namangha ako ng pumasok na kami sa loob, kitang kita ko na ang kabuuan nito. Modern style ang motif ng bahay. Maaliwalas sa mata ang kulay ng blue, white at green.
BINABASA MO ANG
Switched Bodies [EXO FF] [Completed]
FantasyNaimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xiumin ay naging eyeliner king at si Baekhyun naman ay naging wushu expert? Tapos makikita mo si Tao na hanep mang-troll at si Chen na naging...