Sana naman ako'y pakinggan!

76 3 0
                                    

 

First semester is over. Yeheyyy! Hayahay muna ako from school works. Two weeks akong family lang muna ang inaasikaso. Yeah. I missed spending the whole day with my family. Kwentuhan, kainan, tawanan, kulitan, masaya talaga. I am so blessed and favoured to have a family that prays and stays together.

Kahit na may mga anak na sila kuya, sa amin pa rin sila nakatira. Isa kaming one big happy family! Hindi naman ganoon kaluwang ang aming bahay pero sapat lang para sa aming lahat. Ayoko rin naman ng malaking bahay, like Shei’s house, yung tipong hindi na sila nagkikita-kita.

Nagkakachat naman kami ng barkada through messenger. Okay naman din daw sila sa kani-kanilang destinasyon. Sulit talaga sa kanila ang bakasyon dahil kung saan-saan sila nakakarating. Out-of-town, ganun. Ako rito, happy naman with the fambam. :)

Kumonti na yung bashers namin sa facebook at twitter. Nag-announce kasi ang Dean ng department namin na may kaukulang parusa na ang mga estudyanteng mapapatunayan na nambu-bully ng kapwa estudyante nila. Sabi ng Dean namin may surprise siya sa amin this second sem. Wala akong ideya kung ano yun. . Hindi naman kasi ganoon ang dean namin na nagbibigla. Sana lang wag yung totally mabibigla ako. Hahaha! NVM. :)

We’re just normal students before that incident happened! Grabe. Feeling ko nga artista na kami dahil sa pambu-bully ng madla sa amin. Pero thank God, nagsawa rin sila sa aming mga fez. Harhar.

After mag-sorry ng grupo ni JJ sa’min, nagkaroon na naman ang bawat isa ng communication. They make amends and we accepted them for the second time around. Pero wala nang pilitang sumama kung saan-saan. Simpleng magkakaibigan lang, that’s all.

Wanna know why I accepted their apologies? Because they made a public apology. As in sa social media. They posted it on school’s facebook page. Nakakahiya naman kung di pa namin sila patawarin at bigyan ng chance diba? And also one thing, pinagtatanggol na rin nila kami sa mga bashers namin.

Nalaman na rin namin kung sino ang nagpakalat ng balita na iyon. Humanda sila sa’kin pag nagkasalubong kami sa school. Joke! Harmless to! Kakausapin ko lang naman sila. That’s all.

And speaking of the boys, never nag-message ang loves kong chinito sa akin while he’s in Korea. Pinaasa niya lang ako na tatawagan niya ako. Hmp.

Wala naman akong dapat ipag-alala dahil nakita ko naman sa facebook niya na may picture silang dalawa ng mama niya sa isang restaurant kaya alam kong safe siyang nakarating doon. Pinudpod ko kaya siya ng prayers.

***

“Jeng!” kaka-scan ko lang ng ID ko sa entrance gate nang pangalan ko agad ang bumida sa lahat. Si Angel ang tumawag sa akin.

Tumakbo siya papalapit sa akin habang naglalakad na ako.

“Girl, kelan ka ba magbabago? Late ka na naman.” aniya paglapit sa akin at sabay na kaming naglakad.

“Sorry, ang traffic kasi.”

“Lagi na lang traffic dahilan mo huh.” At umirap pa ang lola niyo. “Tara na nga. Baka magalit pa sa’tin si Dean niyan eh!”

Hinawakan niya ang braso ko at sabay na kaming tumakbo. “Wala pa nga sila Pree eh!”

Nagawa niya pa akong sabunutan habang tumatakbo kaming parang lovers sa field. “Aray!”

“Sira! Kanina pa sila doon sa office. Tayo na lang ang hinihintay!”

“Kanino ba tayong office pupunta?” hindi ko kasi alam kung anong inalmusal nito at hinatak ako sa field eh wala naman doon ang department building namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh, Chinito . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon