“Oh, bakit mukha kang panda?” bungad ni mama sa akin.
“Hindi ba dapat good morning muna ang ibabati mo sa akin mama?” maaga kong reklamo.
Kagigising ko lang galing sa kalahating oras kong tulog. Momay kasi si Kevin! Nag-overnight sa utak ko! Napuyat tuloy ako. Kanina lang akong umaga nakatulog at ang magagaling kong mga kaibigan ay bigla namang tumawag at pinapapasok ako. Maaga daw ang laban ng team ngayon kaya ito, bangon-bangon din. Kung sana lang nagkakapera kami sa pagchi-cheer sa team eh!
Binigyan ako ni mama ng platito, “Eh mukha namang hindi maganda ang morning mo ‘nak eh. May sakit ka ba? ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Magpaulan ka pa ulit ahh!”
“Aray, Ma!” kinurot niya pa ako sa tenga.
“Julienne, you’re turning nineteen next year! Pwede bang umakto ka na according to your age!?”
Nilingon ko si mama na nagpapalaman ng tinapay para sa mga pamangkin ko, “Ma, next year pa naman ako mag na-nineteen eh, saka ang aga-aga nagi-english ka. Ano bang nakain mo?”
Inambahan niya na naman ako ng kurot kaya nanahimik na ako. Masyadong highblood si mama!Kagabi pa ‘to ah!
Nag-ayos na ako ng sarili sa kwarto namin ni ate. Ginamit ko ang mga make-up ni ate para lang matakpan ang malalaki kong eye bags at maputla kong labi. Kaso nahuli ako ni ate.
“Inspired ang bruha, nagme-make up na.” sabi ni ate habang nakahiga sa kama at yumakap muli sa kanyang unan. Isa pa itong mapang-asar.
“Bakit ba hindi na kayo marunong bumati ng good morning ngayon at panay ako ang napapansin niyo? Saka kapag nagmake-up inspired agad? Meaning someone’s inspiring you also sa work? Nako ate ahh, magkaka-love life ka na ba?” sagot ko kay ate habang naglalagay ako ng hikaw na pang-girly.
Binato niya ako ng unan, “Sira! Siyempre inspired ako sa work ko! Ang dami kaya naming guest na mga gwapo at artista sa hotel. Eh ikaw wala ka namang dahilan para mag make-up ngayon dahil foundation week niyo pero todo make-up ka! Ibig sabihin, someone’s inspiring you kaya ka nagme make-up at pumapasok sa school kahit hindi mo naman kailangan pumasok!”
Nilingon ko si ate, “Haler! Third year na ako ‘te! Soon to be fourth year! Siyempre kailangan ko na mag-ayos!”
“Sus, dedeny pa! Kaltukan kita diyan eh. If I know dahil ‘yan kay Kevin Kim.”
“So what?” o_O
Nagulat ako sa sinabi ko at napalingon muli kay ate na nakangisi sa akin. “Hoy, wala ‘yon ahh!”
“Bakit wala naman akong sinasabi ah!”
“Ate nakakainis ka!”
“Wala naman akong ginagawa ahh!”
Humiga muli si ate at nagtatawa doon, “Kulang ka lang sa tulog! Papasok na ‘ko!”
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Genç KurguSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...