*Balang araw ay malalaman mo rin. .

106 1 0
                                    

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nang-aasar lang, ganun.

Nasa jeep na ko pauwi sa amin. Hindi na ako nag-LRT dahil rush hour na rin. Nag-food trip pa kasi kami ng barkada sa hepa-lane. Alam niyo ‘yun? Basta lane ‘yun ng mga pagkaing ang lakas maka-hepa. Kaya nga hepa-lane.

Mura lang naman ang mga tusok-tusok doon kaya naki-join na rin ako sa kanila. Minsan lang kasi mag-aya ang mga iyon sa ganoong kainan. Kadalasan, Starbucks at J.Co donuts ang trip ng mga iyon, na hindi ko afford. -_-

At ngayon, ang crush kong hindi ko ma-afford nasa harapan ko rin. Okay na sana eh. Alam niyo ‘yun, moment niyo na! ‘Yung mapapakanta ka ng “Sumakay ako sa jeepney, ikaw ang nakatabi, di makapaniwala.” Kaso hindi eh.

May asungot kasi siyang katabi. T_T hindi ako bitter guys. Masyado lang akong nahuhurt kasi nasa harapan ko pa sila. Kung makapag-kwentuhan pa sila super close, as in close. Gaano ka-close? Basta close siyempre masikip sa jeep.

Bakit pa kasi sila nag-jeep eh mukha naman silang mayamang dalawa! Dahil sa kanila may hindi pa nakaupo at nakasabit! Hmmp! Para lang sa mga walang sasakyan ang jeep! Waaaah! Gusto kong magwala dito!

Kanina bago pa man sila pumasok sa jeep napalingon sa’kin si Kevin. Para siyang nag-alangan pumasok. Kaso umupo na ‘yung kasama niyang alien rin, este foreigner, kaya umupo na rin siya. Doon niya lang ako tiningnan ng ganoon. Feeling ko nga sinasabi niya sa’kin, “Bakit ka nandito sa jeep? Layas!”

“Manong bayad po.” At siyempre hindi talaga mawawala ang mga taong nagpapasuyo ng mga bayad nila. Kondoktora mode ang peg ko dahil nasa likod ako ng driver. T_T

Maya-maya pa tumingin silang dalawa sa’kin. Hmp. Snob mode:ON!

Tumingin na lang ako sa dinaraanan namin. Wala akong mapapala sa kanila. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng jeep ito pa nasakyan nila! Teka, is it what they called ‘fate’? Charoot! Arte.

“She’s your schoolmate, right? You have the same ID lace.” Narinig kong sabi ng kasama niyang babae.

 

Bembol naman! Extended ang school, Jeng? Hanggang jeep naka-ID?

Wapakels. Sayang ang student discount. Minsan kaya hinahanap ng mga driver ang ID! Hmp!

Hindi ko naman narinig na sumagot si Kevin Kim sa kanya. Hmmp. Bahala sila. Hindi ko na lang sila tiningnan muli. Ang laki kaya nilang sore eyes! Wushuu! Selos ka lang ehh!

Bakit kaya ang traffic? At bakit kaya hindi pa sila bumababa? Don’t tell me malapit lang ang bahay nila sa’min?

After fifteen minutes, bumaba na si babaita. ‘Yung kasama ni Kevin. Akala ko bababa na rin siya kaso naiwan siya sa loob ng jeep. Nemen! Hindi man lang hinatid ‘yung friend niyang girl o girlfriend niya!

“Ang gwapo talaga! Kunin mo ‘yung number dali.” Sabi ng mga babaeng nasa tabi niya ngayon. Mag-uusap na lang ang lakas-lakas pa! Nakasuot sila ng uniform ng school na malapit lang sa school namin. Meaning kilala nila si Kevin Kim.

Oh, Chinito . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon