- Ay baon ko hanggang sa paguwi, Oh, Chinito.

78 1 0
                                    

 

Umupo kami sa upuang bato at nasa likod namin ang punong pinakamamahal ko. Humugot muna ako ng hininga dahil feeling ko hindi ko alam kung paano ko sisimulan ikwento sa kanya.

“I don’t know what you wanted to hear.” I shrugged and sighed. “At hindi ko rin alam if I should trust you. Sa dami ng nangyari after the foundation week, ni hindi ko alam kung kaya ko pa kayong harapin dahil sa sobrang pagkamuhi ko sa grupo niyo.”

My peripheral vision saw him looking at me and then looking away like he can’t bear what I’m saying.

I continue, “Alam mo naman sigurong pinagkalat ni JJ na may nangyari sa’min, at ginusto ko daw iyon.” natawa ako, “As if naman na gugustuhin ko siya.”

Hinintay ko siyang magsalita ngunit di siya kumikibo at patuloy lang sa pagpapakawala ng malalim na hininga. Ako naman, nagkukutkot ng marumi kong kuko habang hindi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

“Hindi ko lang matanggap na – na ganito yung gagawin niya sa’kin. Oo nga at hindi pa kami ganoon ka-close pero pinagkatiwalaan ko siya dahil akala ko irerespeto niya ko dahil hindi naman ako sumusunod sa kanya nang parang aso. Pero ganito pala ang gusto niyang gawin.”

Tumingin ako sa kanya ngunit malayo ang tingin niya. “Isang tanong, isang sagot. Alam mo bang gagawin niya ‘to sa’kin?”

Sandali siyang hindi kumibo. Ni hindi ko alam kung naiintindihan niya ang mga pinagsasabi ko. Akala ko wala siyang balak sumagot pero bigla siyang tumingin sa’kin. He looked so worried. “Yes. I knew it will happen. I warned you, right? Not once. You didn’t pay attention to what I said.”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at inalis ang tingin ko sa kanya. Naalala ko ang mga sinabi niya. Na iwasan ko si JJ. Na wala siyang magandang gagawin sa’kin. Oo, naaalala ko yon. At gaya ng sabi niya, hindi ko binigyan ng pansin ang mga warning niya.

I nodded several times. Confirmed. Wala siyang kinalaman sa pagpapakalat nito sa campus.

“What’s with the smile?” he asked blatantly. Kinikilig kasi ako.

Tumingin ako sa kanya. “Kevin, thank you. And sorry. Now I understand bakit over-acting ka sa pagwa-warning sa’kin kay JJ.”

“I told you.”

Pinitik ko ang braso niya. “Oo na. Shonga na ko. Somehow, I am the one to blame din pala.”

“What’s shonga?” natawa ko sa kanya. Grabe, mabiro nga.

“Ikaw.” Patuloy ako sa pagtawa. “Oo, ibig sabihin ng Shonga ay ikaw.”

He looked more confused. “Really? Bisaya language?”

Natawa kong lalo. “Yah, yah. Bisaya language. Paano mo nalaman, huh?”

Oh, Chinito . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon