Kung hindi nasisilaw -.-

53 1 0
                                    

 

“Alam mo, hindi ko talaga inaakala na magiging close tayo ng ganito. Yung katabi kita habang pinanonood natin ang sunset.” Grabe, kinikilig ako.

Kevin eyed me and smiled. “Neither I.” maigsi niyang sagot.

 

Pareho naming pinapanood ang araw na bumababa at nagtatago sa dulo ng karagatan. Akala ko, sa movie lang nagaganap ‘tong mga scene na ganito. Pero grabe, possible pala mangyari kapag pinag-pray mo lang talaga.

 

“Julienne. .” dahan-dahang sabi ni Kevin sa pangalan ko. Nakakalaki ng tenga kapag siya tumatawag sa pangalan ko.

 

Tiningnan ko siya sa kanan ko habang nililipad ang buhok ko. “Hm?”

 

Nakamasid lang siya sa araw. “I have someone that I love.”

 

Nagdugtong yata ang kilay ko sa narinig ko. “Huh?” think positive, Jeng. Baka ikaw ang tinutukoy niya.

 

“She’s been there for me not so long ago. She made me laugh. She made me smile. She thought me how to be faithful. She’s really a great woman.” He’s words are with conviction. Pero ouch, parang hindi ako yun.

 

“Talaga?” ang sakit lang.

 

He nodded. “I have a favor to ask.”

 

Parang ayoko. Pero sige, for the sake of friendship. “Ano yun?”

 

Humarap siya sa’kin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay, “Help me to be a part of her life.”

 

Natulala lang ako sa kanya. Ayokong itanong kung sino dahil baka kilala ko pa at masaktan pa akong lalo. Nanginginig ang bibig ko at hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Some part of me broke.

 

“Si-sino siya? Kilala ko –ba?”

 

He looked into my eyes deeply and then smirked. Yung ngiti na nakakainis. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya.

 

“JENG!” pareho kaming napalingon ni Kevin ng may tumawag sa’kin mula sa araw na palubog?

 

Palubog na yung araw pero bakit parang – parang umaangat siya ulit?

 

***

“Jeng!! Bangon na! Aysos nananaginip ka pa diyan tanghali na!” narinig ko ang boses ni ate Meng na pagkaingay-ingay. Silaw na silaw rin ako sa sikat ng araw na nakatapat sa’kin.

Grabe, panaginip lang pala!! (-.-) ayun na yun eh! Moment ko na! Bakit nagkaganun? Bumangon ako sa kama at feeling ko ay nag-sun bathing ako. Ten na pala ng umaga at wala man lang nang-gising sa’kin sa dami naming natulog dito kagabi.

Oh, Chinito . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon