Go ang barkada sa invitation ng Captain ball na si JJ sa hindi ko alam na lugar. Kanina ko pa ginigisa si JJ kung saan o anong klaseng lugar ba ang pupuntahan namin. Kaso itong driver namin eh hindi sumasagot sa mga tanong ko at ngingiti-ngiti lang sa tabi ko.
Oo guys, tama ang basa niyo. Nasa tabi niya ako! Pero kalma lang kayo. Nasa likod ko naman sila Pree, Abie, Angel. Sa likod na likod naman ay ang nag-iisang si Gian – with his pang gangster na headphone.
First time ko – I mean namin makasakay sa sasakyan ni JJ. Ang bango! Amoy binata! Alam niyo ‘yun. ‘Yung amoy na nagstay sa ilong niyo. Ganoon ang amoy. Naka Toyota Fortuner ang lolo niyo – at ang color? Panalo! Favorite color ko! Black! (May masabi lang) Naka-customize ito kaya rinig na rinig namin ang tambucho nito kahit nasa loob kami.
Komportable naman ang upo ko dito. Hindi nga lang ako komportable sa tabi ko. Wanna know my itsura? Nakasandal ako ng bongga at hawak ang seatbelt at naka-crossed legs. Kahit ako nawe-weirdohan sa ayos ko.
Si Matteo inaya si Shei na doon na lang sa sasakyan nito sumabay. Ang lola niyo naman, go! Kaya pinapwesto ko na rin doon si Rye at least may look-out ako.
Yung dalawang koreano nasa nag-motor na lang. Magkasundo eh, yaan niyo na.
Marami kaming kasama. Nga pala, kasama rin namin ang “MEME GIRLS.” Galibers! Baka nga pagdating namin doon eh pagselosan pa kami ng mga ‘yon!
Kahit hindi sila niyaya nila JJ nakasunod sila sa’min. Ang sama pa ng tingin nila pagsakay namin sa sasakyan.
“Kasi bat ayaw pang sabihin!” kako kay JJ.
Natatawa ito sa tabi ko kahit wala naman akong sinasabing nakakatawa. “Relax ka lang kasi. Masaya ‘yung pupuntahan natin! I’m sure mage-enjoy kayo.”
I pouted, “Mas mage-enjoy pa ako kung manonood ako ng PBA.”
“Fan ka pala ng PBA ah.” – JJ
“Naku, sinabi mo pa, JJ. Alam mo bang sumasama pa ‘yan sa mga kuya niya doon sa Araneta para lang manood!” singit ni Angel.
“Hoy hindi ah. Hindi pa nga ako nakanood dun eh. Lagi lang sa bahay. Saka mahal ang ticket, sayang pera!”
“One-hundred lang naman ticket dun, Jeng.” – JJ
“Kahit na. Sa one-hundred mo marami ka nang matutulungan!”
Natawa sila sa sinabi ko. “Eh ‘di ikaw na mabait!”
Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Tapos panay pa rin sila sa pang-aasar sa’kin. Ano, kahit manahimik bawal? Ano bang gagawin ko? Saan ako lulugar? Chos!
OW-EM-JENG! Nag-park si JJ ng sasakyan sa tapat ng ‘PRIME!’Alam ko ‘to! Nakukwento minsan ‘to ng mga kaklase kong gimikero at gimikera! Gally, baka makita nila ako dito! Baka masira ang image ko!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Novela JuvenilSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...