Ramdam ko pa rin ang lagkit ng kamay ko. Hindi pa ako naghuhugas ng kamay pagtapos kong magkamay ng kinakain ko kaya naman nagpaalam ako kay Kevin na mag-CR muna bago namin hanapin ang pasaway na si Shei.
Sinamahan niya na lang ako papunta doon, baka daw kasi ako naman ang mawala. Char! Pero hanggang labas lang siya ng ladies room.
Kahit dito sa loob ng toilet eh ang baho. Amoy sigarilyo pa rin. May dalawang babae na nasa loob at nagkukwentuhan ng about sa – errr – lalaki! Hmp! Tengang kawali: ON.
Nilubos ko na ang paghuhugas. Nagsabon ako, nagbanlaw, nagdryer ng kamay at nagsanitizer. Taray!
Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang isang pinto sa cubicle. Si Shei?
“Huy, nandito ka lang pala.” Sabi ko at napansing parang namumutla siya, “Ayos ka lang?”
Nilapitan ko siya at inalalayan, “Jeng, ang sakit ng tiyan ko.”
“Teka, uminom ka ba?”
“Hindi ahh. Feeling ko nalipasan na kasi ako ng gutom tas uminom pa ko ng softdrink kanina. Ang sakit.” Hawak niya ang tiyan at iniinda ang sakit.
“Sabi kasi sa inyo eh, sana hindi na tayo sumama dito at kinain na lang natin ‘yung pang entrance dito. Ang mahal kaya!”
Humarap siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. “Ang KJ mo talaga. Minsan lang ‘to. Hayaan mo na, h’wag mo na lang sabihin sa iba. May lipstick kang dala?”
Nagpameywang ako, “As if namang may lipstick ako, Shei. Hinahanap ka na nila, akala namin ano na nangyari sa’yo. May konting pagkain pa ‘ko sa taas. Ewan ko na lang kung meron pa, baka kinain na nila Rye ‘yun.”
Tumingin siya sa’kin, “Wala na sila sa dance floor?”
“Oo. Pagod na daw sila sumayaw eh.”
She rolled her eyes. “Sabi ko hintayin nila ko eh.”
Kumamot ako ng ulo at hinatak na siya papalabas. “Tara na nga, ang arte mo.”
Paglabas namin ay nawala na si Kevin sa pinag-iwanan ko sa kanya. Aba, nasaan na ‘yung chinito na ‘yun?
“Sino hinahanap mo?” tanong ni Shei nang humaba ang leeg ko sa paghahanap kay Kevin.
“Wala, hinahanap ko kung saan tayo dadaan. Hindi na mahulugan ng karayom ‘tong lugar na ‘to. Grabe.” Palusot.
Shei pouted at hinatak ako. Habang naglalakad kami, nakatakip ako ng ilong. Ang baho kasi. Siguro hindi lang ako sanay. ‘Yung mga nadadaanan ko naman kasing mga tao parang sanay na.
Sinu-sino pa sumisitsit sa’min. Badtrip! Ngayon lang nakakita ng tao? Patulan ko ‘tong mga ‘to eh. Pero kalma lang ako guys. Kalma lang.

BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Genç KurguSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...