“Oh, himala at binayaran mo?” ani Angel nang ibigay ko sa kanya ‘yung bayad sa C2.
“Hehe. Minsan lang ‘yan. Hayaan mo na. Sa susunod hindi ko na ulit babayaran ‘yan.”
“HMMM, mukhang masaya ka ahh! Anong nangyari habang wala kami rito??” pang-iintriga ni Rye.
I just smiled, “Wala naman. Napadaan lang si crush. ‘Yun lang.” sagot ko at ininom ang C2 ko! HOOO! Refreshing!
“Kaya pala!” sagot niya at tumabi sa’kin, “So seryoso na ba ‘yan, Kong.”
“Oy hindi ahh. Inspired lang ako.” Tinulak ko siyang bahagya, “Kayo ahh. Minsan lang ako mag-inarte ganyan pa kayo!”
Natawa si Angel, “Hindi naman sa ganoon. Siyempre we just want to guard your heart pa rin. We all know naman na ang dami talagang taga-hanga ni Kevin Kim, baka kasi umaasa ka na.”
Grabe ‘tong kaibigan ko ahh! Kaka-start ko pa lang mag-daydream pinuputol agad! Hmmmp.
“Alam ko ‘yun girl. Limit nga diba. Masaya lang ako kasi-” sasabihin ko ba?
“Kasi?” Rye.
“Kasi . . nakita ko siya ngayong araw. Yii!” haha! Wag na! Baka mapagtripan na naman nila ko at hindi sila maniwalang nakatitigan ko si Kevin ng 4 seconds. Haha!
Lumipas ang mga oras na tulala ako at nangingiti. Grabe, priceless ang moment namin kanina. Joke! Hahaha! Baka sabihin nila obsess na kong masyado kay chinito, hindi ahh. Mas magandang sabihin na inspired ako dahil sa kanya.
After lunch, laban ulit nila. Nag-cheer kami at ayun, natitigan na naman kami ng grupo ng ‘meme girls’ kung tawagin ni Shei. Masama bang tumili para sa kanila? Same school lang naman kami lahat dito dapat i-cheer talaga sila. Whatever. Ayoko silang patulan, hmmmp.
“Go Kevin!!! Ahhhh!!” sigaw ng mga nasa harap naming may mga banner pa! Boom panes!
Kinalbit ako ni Shei, “Tingnan mo, dapat ganyan ka! Paano ka makikilala ni Kevin niyan kung tahimik ka lang diyan! Reveal yourself!”
Nagsalita ang revealing :3
Lumapit ako sa tenga niya, “Bakit ikaw hindi mo i-reveal ang sarili mo kay Matteo?”
Nanlaki ang mga mata niya at humawak sa kamay ko, “Joke. Hindi na kita bibiruin. Hehehe.”
Hmmm. Itong kaibigan ko, hahaha! Wala naman pala ‘to eh.
Ang tagal nang labas, pero intense. Kaso nakakaantok. Wala kasi si Kevin sa loob ng ring. Nasaan kaya ‘yun?
Kanina lang siya lumabas sa first five. Pagtapos ng time-out nila nawala na siya. Ano kayang nangyari sa kanya?
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Novela JuvenilSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...