*** At nang ikaw ay malinawan. . .

62 0 0
                                    

Friday morning. Maaga akong nag-ayos ng sarili. Nauna pa akong nagising sa alarm ko. Hindi ko alam kung bakit, nagkaroon na siguro ako ng body clock. (Ano daw?)

Anyway, ayun nga. Nagsimpleng pormahan lang ako. Black na v-neck shirt, maong pants, Nike na rubber shoes, saka nakaback-pack. Pinusod ko na rin ‘yung buhok ko.

Ang laman ng back-pack ko? Bible, notebook ko, ballpen, pulbo, blush-on(kung sakaling kailanganin at least ready ako!), 250ml nq tubig, extra-shirt, dalawang face towel, tissue(if ever na tawagin ng kalikasan), at ang panlaban namin mamaya sa ingay sa gym; ang dalawang 1.5 liter bottle ko! Yeah!

Nagusap-usap kami kagabi ng barkada kung paano namin susuportahan ang team. Si Rye ang nag-suggest nito. Napabili pa tuloy ako ng dalawang bote ng coke kagabi at pinaubos agad sa mga kuya ko. Tinatanong pa nila ako kung saan ko daw ba gagamitin, sabi ko gagawa ako ng diaphragm. Hahaha!

Pagdating ko ng school magbabandang alas otso medyo wala pang mga tao. Pero ang barkada ko game na game na!

“Jeng! Dito dali!” sigaw ni Shei sa’kin. Tumakbo ako agad palapit sa kanila.

“Oh, game na kayo?” hinihingal kong sabi. Napansin ko ang mga noo nila, “A-ano ‘yan?”

Inabot sa’kin ni Rye ang isang bandana na orange? Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat, “Christfordians, fight? Kevin, I love you? Sino may ideya nito?”

Tinapik nila Angel, Shei at Pree si Rye na nakacrossed arms pa at parang nagmamalaki pa. “Ehem. Sino pa ba ang mautak sa barkada?”

Napanganga ako, “Galing ‘no? Talino nga niya eh. Basahin mo rin ‘yung amin!” ani Angel.

Binasa ko ang mga nasa noo nilang bandana. Lahat sa kanila ay ‘Christfordian, fight!’ lang! Bakit ‘yung akin may ‘Kevin, I love you?’

“Mahal ka ni Rye kaya nilagay niya ‘yan.” Sabi ni Pree sa’kin. “Para daw mapansin ka na ni Kevin.”

Lalo akong napanganga, “Oh, h’wag ka na maginarte diyan! H’wag ka na rin magthank you at iiyak sa harap ko, walang anuman, Kong!” dugtong ni Rye.

Nailing ako habang nakanganga rito. Ano bang sinasabi ng mga ‘to? Ayoko na lang magsalita dahil baka masaktan ko pa ‘tong si Rye kung ano man masabi ko.

“At bakit orange naman?” ‘yun na lang ang tinanong ko habang hawak pa rin ang pambihirang bandana ko. “Kelan pa nagbago ang favorite color mo?”

Kumamot siya sa ulo, “Eh kasi ‘yang tela na ‘yan hindi ko na ginagamit. Damit ko ‘yan. Tuwing nakikita ko kasi ‘yan naiinis ako kaya binanatan ko kagabi at ginawang bandana. Maganda naman diba?”

“Hehe.” Sagot ko na lang dito. “Pero pwede ko bang tanggalin ‘tong ‘I love you, Kevin’ na ‘to? Ang awkward lang.”

Akala ko magagalit si Rye pero nagulat ako sa ginawa niya. “Sige, akin na.” Kumuha siya ng kapirasong tela na orange din ang kulay at karayom na may sinulid at tinahi sa harap namin ang bandana ko. “Alam ko namang hindi ka pa handa sa pag-amin eh. Kaya nagready ako if ever man magback-out ka. Gagawan pa sana kita eh kaso itong tela na lang natira so ayun, hehe. Oh ito na.”

Oh, Chinito . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon