“I will give my best shot to win you, Julienne.”
Tulala ako buong gabi kaiisip sa litanyang binitiwan niya. (Malunod kayo sa malalim na salita.)
Hindi ko alam, napakabilis ng mga pangyayari. Noong lunes lang kami nagkaroon ng communication, tapos ngayon nagsasabi na siya ng feelings niya? Iyon kasi ang tingin ko sa sinabi niya sa akin. Gusto niya kaya ako? Ahhhh! Iling-iling! Hindi-hindi!
Lumuhod ako, “Lord, ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? May covenant po akong after graduation na ako magbo-boyfriend. Bakit po dumating agad siya?”
Napaisip ako. Siya na ba? Grabe, anu-anong naiisip ko! Nagpray na ako ng taimtim at natulog na. Ayoko na siyang isipin, nakakapagod!
Nagising ako sa alarm tone ni ate na “Chinito.”
Haaay! Ang aga-aga mapang-asar na naman sila. Ako na nagpatay ng phone niya dahil tulog na tulog pa siya. Madaling araw na rin kasi siya umuwi.
“Good morning, Lord.” Bati ko pagupo sa kama. Parang ang tamlay ko ngayong umaga.
Bumangon ako at pumunta sa harap ng salamin. Ang eye bags ko lalong lumawlaw. Magaling!
Tinawagan ko si Angel at sinabing hindi muna ako papasok. Gusto ko munang magpahinga dahil next week dudugo na naman ang mga utak namin sa mga reportings, quizzes at exams.
Tsaka gusto ko rin muna magisip-isip sa nararamdaman ko. . .
Beep.
Napalingon ako sa phone ko. May nagtext. Umupo muli ako sa kama at tiningnan kung sino ito.
From: Kevin Kim
Yari! Nagtext na naman siya! T_T Iiwas na nga ako chinito eh!
Good morning. Its semi-finals later at 2PM. Please support us. See you, Julienne.
. . . . . . sigh . . . . .
Grabe. Ibang klase siyang manggulo ng utak. Kagabi pa siya ahh!
Nga pala kagabi rin magkatext kami. Nagtext siya ng makauwi na siya sa unit niya. Naka-condo pala siya at wala siyang kasama doon. Nakakaawa, somehow.
We had a few conversations through text. Nasa Korea pala ang buong family niya at sila lang ni Tony Choi ang magkaibigan na pinadala dito para mag-aral.
Sa dinami-rami ng koreano sa school hindi pala nila iyon mga kilala. Poor earthlings.
Bago pa humaba ang texting namin kagabi nag-good night na ako sa kanya. Ayoko nang humaba pa ang burden na nararamdaman ko. Naguguluhan kasi ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Novela JuvenilSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...