Nag-enjoy kami sa pagsi-celebrate ng birthday ni JJ. Para kasi kaming comedian ni Rye habang hawak ang dalawang mic.
Ang mga audience naman namin ay panay ang kantyaw sa amin ni JJ. Pinapakanta pa nila kaming dalawa ng duet. Okay lang naman sa’kin pero kasi naiilang ako sa isang taong parang hindi natutuwa sa kalikutan at kaharutan ko.
“Jeng! Ito kantahin niyo ni JJ.” In-enter ni Angel ang number at lumabas sa LCD ang kantang ‘Bakit ngayon ka lang dumating!’ Ansabe!
“Wooo! May bago ng love life si JJ!” hirit ni Matteo.
“Ang Jeng din namin! Magkaka-love life na!” sigaw rin ni Shei.
“Bakit? Hindi ka pa nagkaboyfriend?” pagkabiglang tanong ni JJ.
Napakamot ako sa ulo. “Ahh. Oo. Hehe.”
“Really? Ang swerte naman ng magiging first boyfriend mo!” –Matteo na maingay lagi.
“Mas maganda kung blessed ang magiging first boyfriend ko, hindi swerte. Hindi naman kasi ako mayaman ‘no! Hindi rin kagandahan. Pero mayaman ako sa pagmamahal, kaya magiging blessed talaga siya!” – bakit ang ingay ko ngayon? Nakakaloka!
“Saka hindi lang naman ako ang NBSB rito! Si Angel saka Rye hindi pa rin nagkakaboyfriend. Bakit ako lang ang inaasar niyo!” dagdag ko.
Nagulat ang mga boys sa’min. “Sa gaganda niyong ‘yan hindi pa kayo nagkakaboyfriend?” –JJ na gulat ulit.
Gusto kong humagalpak sa katatawa kaso hindi ko magawa. Paano ba naman kasi gulat na gulat sila! Ang OA lang. Normal lang naman kasi ang NBSB sa mga edad namin ‘no. Palibhasa kasi sila binuksan agad ang pag-iisip sa isang intimate relationship. Lasing ba ko? Bakit ganito ako ngayon?
Ah! Dahil nga pala sa tahimik na si Kevin. Dini-distract ko siya sa pagtetext niya. Papansin lang ganun. Sino ba kasi ang katext niya!
“Eh ikaw Shei? Nagkaboyfriend ka na? Oh may boyfriend ka?” Matteo dared to ask.
“NBSB rin ako ‘no! No Boyfriend, Since Break-up. Hehehe.” Aniya kay Matteo na natawa sa sinabi ni Shei.
Habang natatawa pa ako kay Shei dahil sa sinabi niya, bigla namang may kumanta at lumapit pa sa tenga ko. “Bakit ngayon ka lang?”
Napaatras ako dahil kay JJ. “H’wag ka ngang manggulat! Parang mama ‘yang boses mo, ang laki.”
“Bakit? Nakakainlove?” then he winked. :3
“Yoooooon! Lakas mo birthday boy!” – Matteo.
“Luuh. Inlove agad? Kumanta ka na nga lang.” sabi k okay JJ. Medyo naiilang na ako sa kanya dahil medyo clingy siya. Dikit ng dikit, ganun. Parang linta. Ayoko pa namang nadidikitan ng lalaki. Ewan ko ba parang nakukuryente ako sa balahibo nila. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito . . .
Teen FictionSi Jeng na yata ang pinaka nakakahiyang tao sa harap ng crush niya nang makita siya nito sa taas ng puno habang pinagagalitan ng guard dahil kinuha niya ang bola ng badminton na napunta sa puno na pinaglalaruan nilang magkakaibigan. Doon niya pa ito...