Chapter 1 Define Sanity

9.2K 478 122
                                    

"The truth? I like you a lot. You make me happy. You make me laugh. You're smart. You're different. You're a little crazy and awkward and your smile alone can make my day."


Vanessa POV


Wala sa sariling napangiti ako habang nakamasid sa bagong kasal na sina Theo at Celeste habang masaya ang mga itong nakikipagkamay sa mga bisita.

Honestly, nahirapan kaming dalawa sa pag-organized nitong 'secret' wedding na 'to. Nagdalawang-isip pa nga noon si Theo dahil baka daw i-turn down ni Celeste ang proposal niya. Halos mahigit isang buwan namin itong pinagplanuhan ng patago. And when we had the chance, when we felt it was the right time, we executed the plan.

"Hi."

Someone cut me off from reverie. A guest, I think? Hindi kasi ito familiar sa akin. Ngayon ko nga lang siya nakita. She blocks the beautiful view.

Pilit ang ngiting iginawad ko dito. "Yes?" Tugon ko sabay sumimsim ng alak mula sa hawak na wineglass.

"You're the bridesmaid, right?" Tanong niya sabay pinasadahan pa ako ng tingin.

Pinigilan ko ang pagtaas ng aking kilay. Napahalukipkip ako gamit ang libreng kamay tsaka inilipat ang bigat sa isang paa. "Do we have a problem with that?" Nakangiti ng may pagkasarkastikong tanong ko dito.

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig. Hindi yata nito inaasahan ang naging reaksyon ko. Kapagkuwa'y natawa siya ng marahan. Halata ang kaba mula dito.

"No, uhm, -"

"'Yon naman pala e." I cut her off. "Well, if you'll excuse me." Saad ko at naghanda na itong iwan. "Enjoy the party while it's free." Sarkastikong nakangiting paalam ko dito bago nilapitan ang bagong kasal.

"Vanessa!" Bulalas ni Celeste ng makalapit ako sa kanila. "Thank God! Kanina pa kita hinahanap." Hinawakan niya ako sa braso. "Excuse us." Nakangiti niyang paalam kay Theo at sa bisitang kausap nito bago ako hinila patungo sa comfort room na ginagamit ng mga guests.

Sa malawak na garden dito sa casa idinaos ang kasal nila.

Parang nara-rattle na ini-locked niya ang pinto ng comfort room ng makapasok kami sa loob. Mukhang kami lang naman yata ang tao dito.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ko.

"Do I look okay?" Tanong niya sa akin.

Napakunot-noo ako. "Yes." Nagtataka pa ring sagot ko.

Napapikit siya at eksaheradang napabuga ng hangin. "I don't feel okay." Sabi niya ng muling magmulat ng mga mata.

"What?" Natatawa ng marahang bigkas ko.

Parang kinakabahang kinuha niya mula sa akin ang hawak kong wineglass at inisang lagok lang ang laman nito bago inilapag sa sink.

"Kinakabahan ako." Pag-amin niya sabay hawak sa dibdib.

Bumagay sa kanya ang wedding gown na ako mismo ang pumili. Sukat na sukat sa makurba niyang katawan.

Napangiti ako. "Honey, you don't have to worry." Hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha. "You're already with the right person. I know Theo, she will never hurt you. Well... not physically. And," I breathe out. Tinitigan ko siya sa mga mata. "... I'm happy because you end up with the one you love."

Napabuntong-hininga siya ng malalim.

"Hey." Nakangiting sabi ko sabay pinisil ang kanyang baba. "Para ka namang namatayan niyan." Komento ko. "Aren't you happy?"

Saving the Goddes of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon