Chapter 29 Ease Up, Calderon!

5K 430 75
                                    

"You found parts of me I didn't know existed and in you, I found a love I no longer believed was real."


Vanessa POV


"Alexis." Sa wakas ay nakakibo na rin ako.

Tumigil siya sa paglalakad ng malapit na siya sa pinto at lumingon sa akin.

"Actually, I do." Sabi ko sa kanya. "I need your help."

Seryoso siyang napatitig sa akin. Muli siyang bumalik sa kinauupuan pagkatapos ng ilang sandali.

"Anong klaseng tulong?" Tanong niya.

"I need you to cover up for me."  Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "I want to set things right with Bryleigh. It may not be that obvious but..." Huminga ako ng malalim. "I like your daughter."

Naguguluhang napatitig siya sa akin. Naghintay ako sa sasabihin niya. Ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay nananatili pa rin siyang walang imik. Akala ko magagalit siya kaya naman hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. 

Bahagya siyang lumapit sa akin tsaka nagsalita sa mahinang tinig. "Pwede magtagalog ka na lang?" 

Dahan-dahan akong napanganga. Mataman ko siyang tinitigan baka nagbibiro lang siya.

Napapalatak siya sabay napaupo ng diretso. "Kaya ilag akong makipag-usap sayo e." Bubulong-bulong niyang sabi kaya hindi ko masyadong naintindihan. Napapakamot ito sa tainga.

"Ha?"  Nalilitong reaksyon ko. "Galit ka ba?"

"Hayun!" Para itong nakahinga ng maluwag. "Ano na nga ulit yong sinasabi mo?" Tanong niya na para bang nakikipag-usap lang sa kaibigan niya. "Gusto mo ang anak ko?"

"What I mean is -"

"'Yon naman pala e!" Palatak niyang putol sa sinasabi ko. "O anong problema do'n?"

Ako naman ngayon ang napapakamot sa kilay. May pagka-bipolar yata 'tong si Alexis. Nang mapatingin ako dito ay seryoso siyang nakatitig sa akin.

Bahagya kong ipinilig ang ulo sabay napapikit ng ilang segundo. "Gusto ko sanang magbakasyon kasama si Bryle para mapagtibay pa ang pagsasama namin. Pero paano namin 'yon gagawin kung puro siya trabaho?" Tsaka kunwaring nag-emote. "Balak ko na ngang kidnap'pin siya kung wala na talaga akong choice."

Sa maikling panahong nakasama at nakilala ko si Alexis, alam kong family-oriented siyang tao. Kaya naman sa huli ay naisip kong baka sakaling matulungan niya ako sa plano ko. Kung bigla-bigla na lang kasi kaming mawawala pansamantala ni Bryle, syempre magtataka ang lahat. Maraming tanong at kung ano-ano pa. Pero pag tinulungan ako ni Alex makaalis kasama ang anak nito, hindi na sila magtataka pa.

Napaisip siya. "Sa totoo lang, nagawa ko na din ito kay Blaire, ngunit sa ibang paraan nga lang." Saad niya. "Sige, tutulungan kita."

Gusto kong mapataas ng kilay sa mabilis niyang pagpayag pero nagpigil ako. "Really?"

Sinabi ko sa kanya ang plano ko na nakakapagtakang agad niyang sinang-ayunan. Huwag na huwag ko lang daw sasaktan anak niya kung hindi malilintikan ako sa kanya.

Kaya naman ng gabi ding iyon ay nailayo ko si Bryle at dinala sa bahay na ipinagawa ko. Buti na lang at kakatapos lang nito.

"Paano kung mas pipiliin kong tumakbo at umalis na lang?" Nakatitig siya sa mga mata ko nang tinanong niya sa akin ito. "Malulungkot ka ba?" Bahagyang napaawang ang aking mga labi. 

Saving the Goddes of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon