"I'm selfish, impatient, and a little insane. I made mistakes. I am out of control and at times hard to handle. But if you can't handle me at my worst, then sure as hell you don't deserve me at my best."
Vanessa POV
"Alexis, I'm so, so, sorry..." Hindi magkandaugagang hingi ko ng paumanhin dito habang hindi siya mapirmi sa kinauupuan dahil sa nangyari.
"Aray!" Impit niyang daing ng hinawakan ko siya sa braso para sana tulungang umayos ng upo dito sa loob ng kusina. Ito yata 'yong braso niyang nasaktan ko pero naayos ko na kanina. Pero syempre masakit pa rin. "Huwag mo na lang akong hawakan, pakiusap!" May gigil ng bulalas niya.
Napangiwi ako ng makita ang namumula niyang balat sa itaas ng balakang ng itinaas niya ang kanyang damit para tignan ito.
"I didn't know it was you -"
"Kahit na!" Pinanlakihan ako nito ng mata. "Papaano kung si Bryle pala 'yon o ang asawa ko?" May point siya kaya napangiwi na lang ulit ako. "O kaya si Mackz." Tsaka ito dismayadong napapailing-iling.
Namayani ang sandaling katahimikan. Tinungo ko ang lalagyan ng medicine cabinet at kumuha doon ng hot/cold physiotherapy bag. Mainit na tubig ang inilagay ko sa loob nito. Mas mainam ito kaysa sa cold compress, lalong-lalo na sa back pain para mag-circulate ng maayos ang dugo at makapag-travel ang oxygen sa kanyang muscles. Kumuha din ako ng ibuprofen para ipainom sa kanya.
Muli akong bumalik sa kinaroroonan niya at ibinigay ang mga ito. Napatingin muna siya sa akin bago ito tinanggap. Kumuha ako ng maligamgam na tubig para inumin niya. Mas mainam ito pag iinom ng gamot.
Namayani na naman ang nakabibinging katahimikan. Naupo ako sa bandang kanan niya, dito sa harap ng center island. Hinintay ko ang mga maanghang niyang sasabihin. Hindi kami close, for sure magsusumbong ito kay Blaire at sa asawa ko. They will hate me more. Or worse, palayasin na ako dito. What should I do? Hindi ko pa naman pwedeng iwan si Bryle, o kahit mawala man lang siya sa paningin ko. If I have to watch her 24/7 I will. I certainly will do it.
"May problema ka ba?" Basag niya sa katahimikan.
Mabilis akong nagbaling ng tingin sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pagdadaiti ng physiotherapy bag sa kanyang likod. Bahagyang napaawang ang labi ko dahil taliwas sa iniisip ko ang tono ng kanyang pagtatanong. Hindi pagalit o naiinis. 'Yong tinig na tipong nakikipag-usap lang sa isang kaibigan... o anak... pag nag-aalala.
Napatingin siya sa gawi ko ng ilang segundong wala akong kibo. Maging ang kanyang mga titig ay wala akong makitang bakas ng galit o pagkainis.
Maya-maya ay napabuntong-hininga siya. "Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip mo o kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon," Saad niya. "Pero kung kailangan mo ng kausap o tulong, magsabi ka lang."
Napakurap-kurap ako sa narinig. Napalunok ako dahil pakiramdam ko may bumara sa aking lalamunan. Kahit gusto kong sumagot parang ang hirap lumabas ng kataga sa aking bibig.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at paika-ikang naglakad hawak ang likod na tinungo ang pinto.
"Alexis." Sa wakas ay nakakibo na rin ako.
Tumigil siya sa paglalakad ng malapit na siya sa pinto at lumingon sa akin.
"Actually, I do." Sabi ko sa kanya. "I need your help."
Seryoso siyang napatitig sa akin. Muli siyang bumalik sa kinauupuan pagkatapos ng ilang sandali.
*****
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...