Chapter 16 Embrace

5.2K 435 122
                                    

"She believes that she isn't pretty enough to be loved, so she pretends to be not the kind who falls in love. In reality, she's just afraid to trust her heart to those who could easily tear it apart. Therefore, she begins building a wall. To create a world where no broken hearts exist and not even the pretty girls get kissed."


Vanessa POV


Eksaherada akong napabuga ng hangin habang nakapameywang na nakatingin sa mga maletang maayos ng nakasara. Kakatapos ko lang mag-empake. Babalik na ako ng isla ngayon. Medyo matagal na rin akong nandito. Kung hindi lang dahil sa mga pinapaayos ni General Vasquez para sa kanyang shipment ay noong isang araw pa sana ako nakauwi. Besides, may mas malalim pang rason kung bakit nagmamadali akong makabalik ng isla.

Kahapon ng palabas ako ng resto kung saan ko napiling kumain ng dinner ay parang namataan ko si Chad. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o ano. Parang kisap-mata. Wala pang progress ang pagpapahanap ko sa kanya dahil 'mailap' ito. Hindi ako masyadong nag-aalala para sa kaligtasan ni Celeste dahil palagi naman niyang kasama si Theo at iba pang mga tauhan sa isla. Pero mas mabuti na ang sigurado.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito mula sa ibabaw ng coffee table. It's Bryleigh. Hmm... Agad ko itong sinagot.

"Good morning." Bahagyang nakangiting bati ko ng sagutin ko ang kanyang tawag.

"'Morning too." Inaantok pa nitong tugon.

Bigla tuloy nag-pop up sa isip ko kung anong itsura niya pag bagong gising.

"Agahan mong pagpunta dito ha?" Saad niya na ikinakunot-noo ko. "Maaga kasi tayong aalis."

Ano ba ngayon? Tanong ko sa isipan. Aww, it's Saturday! Nakalimutan ko.

Napatingin ako sa mga nakahanda ng gamit. "I can't come."

"Ha?" Parang disoriented pa nitong sambit.

"Hindi ako makakapunta." At ayokong sumama. Pero hindi ko na ito idinagdag pa.

Ilang segundong wala akong narinig na tugon mula sa kanya. "Ano?" May kalakasang bigkas niya. "Umoo ka no'ng kinausap ka at inimbitahan nina mommy, tapos ngayon -"

Agad akong nakaramdam ng pagkayamot. "Pwede namang napilitan lang, di ba?" Putol ko sa paglilitanya niya. "Besides, may kailangan akong asikasuhin. Kailangan ko ng bumalik ng isla."

Hindi na naman siya agad nakakibo. "Ewan ko sayo!" Galit na sabi niya pagkatapos ay busy tone na ang narinig ko.

Maang na napatingin ako sa screen ng phone. Binabaan ba ako nito ng tawag?

Muli akong napamaywang sabay tingin sa mga maleta ko. Nagtatalo tuloy ang isip ko kung anong dapat gawin. Bigla akong na-badtrip sa ginawa ni Bryle. Binabaan ako ng tawag, e siya itong tumawag!

"Bullshit!" Naiinis na mura ko.

Nagdadabog ang mga kilos na hinablot ko ang purse at sunglasses sa ibabaw ng bedside table bago lumabas ng kuwarto.

"Give me the car key." Sabay lahad ng kamay ko kay Simon.

"Aalis na ba tayo, Miss Vanessa?" Tanong niya.

"No." Nakasimangot pa ring sagot ko. "Change of plans." Dagdag ko. "Ako lang ang aalis."

"Ho?" Napakunot-noong sabad ng isang tauhan na katabi niya.

"Just give me the goddamn key!" Isa pa ang mga 'to e!

Mabilis nitong ibinigay sa akin ang susi ng kotse ng magtaas na ako ng boses. Inis na hinablot ko ito mula sa kanya.

Saving the Goddes of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon