"When you touch someone with your spirit, and in turn, they touch your soul with their heart."
Vanessa POV
"Grace?" Bigkas ni Sister Cirila ng pumasok ako sa loob ng kanyang opisina.
Simula ng mamatay ang madre superyora ay siya na ang humalili dito. Mas mabait siya at mas madaling lapitan kaysa sa dating madre.
"Maupo ka." Sabay mosyon sa libreng silya sa harap ng kanyang mesa.
Agad naman akong sumunod at naupo sa bandang kanang silya. Sandali ko lang naigala ang aking mga mata sa kabuuan ng opisina ng madre.
"May maganda akong balita para sayo." Nakangiting panimula nito.
"Ano ho 'yon?" Kunot-noong tanong ko.
"Naaalala mo ba sina Mr. and Mrs. Quintana?"
Tumango ako ng maalala ang mag-asawa na nagpunta dito sa bahay-ampunan noong isang linggo. Mukha naman mababait ang mga ito at halatang sabik magkaroon ng anak.
"Nakapili na sila ng batang gusto nilang ampunin." Nakangiti nitong balita. Nakaramdam naman agad ako ng kaba. "At ikaw ang napili nila!" Masigla niyang dagdag.
"Ako?" Sabay turo sa sarili. "Kasama po ba si Celeste?" Tukoy ko sa nakababata kong kapatid na kasama kong nandito sa bahay-ampunan.
Natigilan ang madre. "Hija," Nagpakawala ito ng hininga. "Ikinalulungkot ko pero... ikaw lang ang gusto nilang ampunin."
"Po?!" Bulalas ko. "E paano na po ang kapatid ko?"
"Grace -"
"Pakisabi ho, ayoko!" Sabay napatayo mula sa kinauupuan at handa ng umalis.
"Grace!" Mabilis ako nitong hinabol. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at napaluhod sa harap ko para magpantay kami. "Hija," Bigkas nito. "Siguro mas maganda kung sumama ka na sa kanila." Pangungumbinsi niya. "At kapag malaki ka na o kaya naman ay makumbinsi mo ang mag-asawa, balikan mo si Celeste."
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi pa ako makagawa ng desisyon sa ngayon. Masyadong mabilis ang lahat. "Pag-iisipan ko ho."
Pumayag naman ang madre. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil ito ang iniisip ko. Napabuntong-hininga ako at napapikit. Nakapagdesisyon na ako.
Mabigat man ang loob, iniwan ko ang kapatid ko sa bahay-ampunang iyon na may pangakong babalikan ko ito. Ngunit hindi ko na ito nagawa...
Pagkatapos mamatay ang lalaking Quintana, naging bugnutin na ang kanyang asawa at sa akin ibinubunton lahat ng sisi. Sinabihan pa akong malas sa kanilang pamilya. Nagdala daw ako ng sumpa sa mga ito.
Nagulat na lang ako paggising ko isang umaga may mayamang mag-asawa na gustong kunin ako. Nakita ko pa nga ng bigyan nila ng maraming pera si Mrs. Quintana. Tuwang-tuwa ang huli at noong araw na lang ding iyon ito naging magiliw ulit sa akin. Agad ako nitong ibinigay. Wala akong dalang ibang gamit kundi ang kwintas lang na bigay sa akin noon ng namayapa kong ina.
"Ito na ang magiging bahay mo simula ngayon." Sabi ni Mr. Calderon.
Mukha naman silang mabait. Giliw na giliw nga ito sa akin. Ibinilhan nga nila ako kanina ng maraming damit. As in napakarami. Maging ng sapatos at cellphone. Ibinilhan pa nila ako ng laptop at kung ano-ano pa. Pinalitan nila ang pangalan ko, maging ang aking apelyido. Para daw opisyal ng maging anak nila ako. Hindi naman ako nag-protesta dahil sa tuwa na rin na sa wakas ay magkakaroon na ako ng pangalawang magulang.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...