"She's strong, she's smart. She's beautiful and careless. She's tough but full of love on the inside."
Vanessa POV
Shit! Akala ko ba hindi na ako babalik dito? Bwisit na Theo'ng 'yon. Kung di lang siya asawa ng kapatid ko - hmp!
"Saan tayo, Miss Van?" Tanong ni Simon habang nasa frontseat ito at ako naman sa backseat. May isa pang sasakyan ang sumusunod sa amin, sakay ang mga tauhan ng Isla dela Gracia.
Masungit na nagbaling ako dito ng tingin mula sa pagtanaw sa labas ng bintana. "Don't call me in that name, we're not close." Pagtataray ko. "Sa dati tayo."
"Okay po, Miss Vanessa." Binigyaan diin nito ang pagkakabigkas sa pangalan ko.
Napikon ako. Walang ano-ano ko itong binatukan. Napasapo ito sa ulo. Nakasimangot at nanggigigil na sumandal ako sa kinauupuan at napahalukipkip sabay tingin sa labas na para bang nandoon ang kaaway ko.
'Yong magandang araw ko ng gumising ako kaninang umaga ay unti-unting nasira hanggang sa sirang-sira na!
Hinayaan ko na ang mga tauhan na makipag-usap sa frontdesk para makapag-check in kami dito sa hotel na siya ring tinuluyan namin noong nakaraang linggo. Nagtungo ako sa waiting lounge at doon muna naupo. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Tinatamad na kinuha ko ito mula sa bulsa ng suot na long coat. It's Celeste.
Awtomatiko akong napasimangot tsaka kinansela ang tawag. Muli ko itong ibinalik sa bulsa tsaka napahalukipkip na naka-crosslegs. Bored na bored ang mukhang nakatingin ako sa frontdesk at sa babaeng receptionist na kausap ngayon ng tauhan ko.
Hmm, fine. May itsura ito. Hello? Parang wala namang hotel na kukuha ng pangit na receptionist.
Parang nakakaramdam na napasulyap ito sa akin. Hindi ako nagbawi ng tingin kaya ito ang parang nako-conscious na ngumiti ng tipid tsaka bumalik sa pagta-type sa computer. Maya-maya ay ibinigay na nito sa aking tauhan ang mga susi ng magiging kuwarto namin.
Tinatamad ang mga kilos na tumayo at naglakad patungong elevator. Nakasunod sa akin ang anim na tauhang bitbit ko sa pagbalik dito sa Laguna. Pumasok kaming lahat sa loob ng elevator. Nag-alarm itong overload, may iba pa kasi kaming kasama.
Nagkatinginan ang mga ito na para bang nagtuturuan kung sino ang lalabas at sasakay sa ibang elevator. Kumukulo na talaga ang dugo ko.
"So ano? Walang lalabas sa inyo?" Sabi ko. "Ano? Ako ang lalabas gano'n?" Wala akong pakialam kahit may ibang tao kaming kasama.
Napapakamot sa ulong lumabas ang tatlo sa mga ito. Nakasimangot na napasandal ako sa gilid habang nakahalukipkip. Tumunog na naman ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin. Si Celeste na naman ito siguro. Hanggang sa kusa na itong tumigil sa pagtunog.
Pumasok ako sa isang VIP room. Sumenyas ako sa tauhang may dala ng maleta ko na iwan na lang ito sa gilid. Wala na yata akong lakas para mag-unpack ng dalang gamit.
Parang pagod na pagod na pabagsak akong nahiga sa kama. Nakahigang nakadipa ako sa kama habang nakalaylay sa paanan ng kama ang mga binti. Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakatitig sa kisame. Hindi ko maiwasang bumalik sa naging pag-uusap namin ni Theo kanina...
"What did you do?" Nagpipigil sa galit na tanong ni Theo habang nasa loob kami ng workroom.
"I didn't do anything wrong." Kalmado pa ring sagot ko. Nakatayo siya sa likod ng mesa habang ako naman ay nakatayo sa gitna ng silid na parang sa isang nililitis.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...