"When we have 'second thoughts' about something, our first thoughts don't seem like thoughts at all - just feelings."
Bryle POV
Kanina pa ako hindi mapakali dito sa loob ng aking kuwarto. Panay ang pabalik-balik ko sa paglalakad, tapos titingin sa bintana tsaka sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table, sa tabi ng picture frame kung saan makikita ang masayang larawan naming magpapamilya. Pakiramdam ko, ang lamig-lamig ng mga kamay ko at pinagpapawisan ako kahit wala naman. Marahil ay dahil na rin sa kaba at antisipasyon.
Napapitlag ako ng makarinig ng buzzer mula sa gate. Mabilis akong sumilip sa bintana. Napasinghap ako ng makita ang ilang pigura ng tao sa labas ng gate. Si Vanessa! And as usual, she's not alone. Kasama niya ang ilang mga tauhan at isang babae na ngayon ko lang nakita. Marahil ito ang kapatid niya.
Mabilis akong nagtungo sa harap ng salamin at sinipat ang itsura. Mukhang maayos pa naman, hindi kagaya ng damdamin ko na parang may ilang dagang nagkakarambulan na sa loob. Eksaheradang napa-inhale exhale ako bago binuksan ang pinto at parang kalmadong lumabas ng kuwarto. Natanaw ko sa living room na nandoon sina mommy at Baba. Nasabi ko na sa kanila ang tungkol sa pagpunta ni Vanessa dito sa bahay para kausapin sila. Mukhang okay lang naman kay mommy pero kay Baba? Hmm... wala siyang reaksyon.
"Siya na ba 'yan?" Tanong ni mommy ng makababa ako ng hagdanan. Katabi niya ang pormal ang mukhang si Baba.
"Y-yes po." Tugon ko.
Nagbaling ng tingin si mommy kay Baba. "Alexis?" Makahulugang bigkas niya.
Napabuntong-hininga si Baba tsaka parang napipilitang napatango pagkatapos. Ngumiti ng tipid sa akin si mommy tsaka sinabing papasukin na ang bisita.
Lihim akong humugot ng malalim na hininga bago lumabas ng bahay at parang walang kabang tinungo ang pantaong gate para pagbuksan ang mga bisita.
Hindi ako agad nakahuma dahil tumambad sa akin ang pormal na mukha ni Vanessa na napakaganda at sexy sa suot na itim na mini dress. Para naman itong pupunta ng lamay. Katabi niya ang isa pang napakagandang babae. Nakasuot ito ng ladies suit na bahagyang nakabukas ang ilang butones sa bandang itaas ng suot na panloob na blouse at maayos na nakatirintas ang buhok. Siya 'yong tipong unang tingin mo pa lang alam mo ng masungit. Tipong matatakot kang kausapin pag di ka kinakausap.
"H-hi." Hindi ko naiwasang mag-stammer. "Kanina pa kayo?"
Parang nababagot na napabuntong-hininga si Vanessa. "No." Tugon niya sa parang naiinis na tinig. Hindi ko alam napakabugnutin din nito. "By the way, this is Theo." Pakilala niya sa babaeng kasama. "Theo, si Bryle." Simpleng pagpapakilala niya.
"It's such an honor to finally meet you, Miss Bryle." Bigkas ni Theo sabay lahad ng kanang kamay.
Lihim akong napalunok ng marinig ang malamig nitong tinig. "L-likewise." Ang tanging nasabi ko lang sabay tinanggap ang pakikipagkamay niya.
Ngunit imbes na makipagkamay ay bahagya itong yumuko at inangat ang kamay kong hawak niya at hinalikan ang likod nito. Pinigilan ko ang sariling mapasinghap ng dumikit ang malambot na labi nito sa aking balat.
Mabilis lang ang pangyayaring iyon pero pakiramdam ko nagtagal ito ng ilang minuto. Napansin ko ang bored na bored na pag-eye roll ni Vanessa sabay napahalukipkip. Bahagyang nakaangat ang gilid ng labi ni Theo ng sumulyap ito sa kanya. Hindi ko alam kung may tensyon ba sa pagitan nila o ano.
Napatikhim ako. "Pasok kayo." Sabay mosyong pumasok na sila sa loob ng aming bakuran. Naunang pumasok si Vanessa, kasunod si Theo. "Sorry pero hindi pwedeng pumasok ang mga bodyguards niyo, baka magalit si Baba." Nakangiwing sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...