"Be careful when your feelings are too strong when you love someone too much. A heart too full is like a bomb. One day it will explode."
Vanessa POV
Tunog ng cellphone ang gumising sa akin kinabukasan. Isang ungol ng protesta ang pinakawalan ko bago nakapikit na inabot ito mula sa ibabaw ng coffee table. I didn't even bother to look at whoever is calling this early.
"Hmm?" Ang tanging pinambati ko sa kung sino mang nasa kabilang linya.
Mabagal akong napadilat ng sagutin ako nito ng parang tunog ng dumuduwal pagkatapos ay tunog ng tubig na marahil ay nagmumula sa faucet.
"Celeste?" Kunot-noong bigkas ko.
"I can't do this anymore." Parang nanghihina na naiinis na hindi ko maintindihan ang kanyang tinig.
"Do what?" Napilitan na akong bumangon mula sa couch na kinahihigaan ko.
Napatingin ako sa kama, wala na si Bryle doon. Marahil ay nakaalis na.
"This!" Protesta niya. "Tuwing umaga na lang akong nagkakaganito?"
Mabagal akong napabuga ng hangin sabay napakusot sa mata gamit ang libreng kamay ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
"It's just temporary." Pagpapakalma ko dito. "Morning sickness lang 'yan."
"Ang hirap!" Patuloy niyang reklamo.
"You can do it." Pagbibigay suporta sa kanyang saad ko. "Isipin mo na lang, after seven months may maliit ng Theo o Celeste na tumatakbo-takbo na diyan sa casa."
Marahas siyang napabuga ng hangin. "Come home." Ungot niya. "I'm always alone. I wish you were here. I miss you."
Ako din ay napabuga ng hangin. "This isn't Hogwarts, love. I can't be in two places at the same time."
"So how are you?" Tanong niya kapagkuwan. Mukhang nahimasmasan na.
Napaungol ako. "My neck hurts. My back hurts. My head hurts like hell. Urgh! I've been sleeping on the couch for the past three days."
She chuckles. "It serves you right."
"Are you my sister or not?" Protesta ko.
"No, I'm not." She jested. "Yes, of course!" Nakatawa ng dagdag niya.
Napailing-iling ako. "Baliw." Tsaka napangiti na rin. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko pagkatapos. "Nasa'n ba si Theo?"
"Possibly at the Diagon Alley shopping for all the necessary supplies for the wizarding world." She breathes out the words.
I rolled my eyes. "I know that your mood can be affected when you get pregnant, but I didn't know it could also affect your brain."
"I love you." Sagot niya.
Napangiti ako. "I love you, too." Napatingin ako sa orasan sa bedside table. "I have to hang up now."
"Okay." Matamlay niyang sagot.
Ilang segundo akong hindi nakaimik. "Hey."
"Hmm?"
"Do me a favor," Sabi ko. "Kick Theodore's ass for me."
Narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa bago ko ibinaba ang tawag. Siya namang pagbukas ng pinto. Kapwa kami natigilan at nagtama ang aming mga mata.
"Good you're awake." Sabi ni Bryle saka nagmamadaling pumasok sa loob ng kuwarto.
Tuloy-tuloy siyang nagtungo sa loob ng walk-in closet habang nasa braso ang handbag. Bihis na ito para sa pagpasok sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...