"Being deceitful gets you nowhere and telling half-truths will backfire on you. Be careful who you hurt, it could ruin your life."
Vanessa POV
"Did you what?!" Shock is an understatement to describe her reaction.
"Bryle, we're already married -"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil lumipad na ang palad niya sa pisngi ko. Napapikit ako sa sakit ng pagkakadapo nito sa aking balat. Para pa ngang namanhid ito sa sakit.
"So was that supposed to make me feel better?!"
Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang galit at sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"That we're already married?!" Dagdag niya.
Sinalubong ko ang kanyang mga titig. I swallowed hard when I saw the disgusted look in her eyes. I couldn't find a word to say to her. Lalo na ng isa-isang magsilaglagan ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Gusto kong dagukan ang sarili dahil sa nagawa at nasabi. I want to take it back. But how? I couldn't!
"Bryle -"
"Don't touch me!" Mabilis siyang umiwas ng akma ko sana siyang hahawakan. "You disgust me." Sabay puno ng pang-uuyam na pinasadahan ako ng tingin bago tumalikod.
I was hurt. Ang mga binitawan niyang salita ay parang kutsilyong humiwa sa akin. But I can't go back.
"Get over it, Bryleigh!" Sigaw ko. "There's no turning back!" Ni hindi man lang niya ako nilingon at tuloy-tuloy na naglakad patungong hagdan. "Fuck." Inis na sinundan ko ito.
Ang bilis niyang maglakad kahit naka-heels pa ito.
"Where are you going?" Tanong ko ng naglalakad na siya patungong pinto.
Hindi siya sumasagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-locked ito. Narinig ko ang malutong niyang pagmumura.
"We're on honeymoon remember?" Sabi ko.
I didn't flinch when she turns to face me. Halos mag-apoy ang mga mata niya sa galit sa akin. Mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako umatras o gumalaw man lang. Isa na namang sampal ang iginawad niya sa akin.
Aww... I know I deserved the first one, but this? Argh!
"Pinagsisisihan kong nagpakasal ako sa katulad mo!" Mabigat niyang bitaw.
Napakunot-noo ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Sa katulad ko?"
"Oo!" Ganti niya. Galit na galit talaga siya. "You're a heartless, insensitive slut."
I secretly flinch. Bahagya akong lumayo mula sa kanya. "Wow." Hindi makaniwala at lihim na nasasaktang bigkas ko sabay napahalukipkip.
"Don't you fucking dare go near me!" Tsaka na naman nag-walkout.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Parang naghahanap siya ng kuwarto. Nang mahanap ang kuwartong tutuluyan sana naming dalawa ay nanggigigil na tinanggal niya ang nakapaskil na 'just got married' sa labas ng pinto bago pumasok sa loob.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay noon ko pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko biglang na-drain ang lahat ng energy sa katawan ko. Parang walang buhay ang mga kilos na muli akong nagtungo sa upper deck. Binuksan ko ang champagne at naupo sa harap ng mesa. Napatanaw ako sa dagat. Kitang-kita mula dito ang mga ilaw mula sa isla. Nagsimula na kaninang mabagal na naglayag ang yate.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...