"To fall in love is inevitable..."
Bryle POV
Pamilyar ako sa lugar pero iilang beses pa lang ako nakapunta dito. Mabibilang sa daliri sa kamay kung tutuusin. Napapaiwas ako sa mga taong dumadaan na excited pumasok sa loob ng establisyemento.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ruth ng lumingon sa akin.
Hinanapan kasi ako ng ID ng guard kaya hindi kami agad pinapasok at siya na ang nagbigay nito at nakipag-usap. Mukhang naayos na naman niya dahil pinapapasok na kami pagkaraan ng ilang sandali. May pagdududa pang nakasunod ang tingin sa akin ng guard ng papasok na kami.
Agad na sinalubong kami ng may kadilimang lugar, maraming tao na mostly ay mga kabataan, at maingay na tugtog. Sa pagkakaalam ko, ito ang pinakadisenteng bar dito sa Laguna.
Tango lang ang tanging naisagot ko kay Ruth habang nakatingin sa paligid. Besides, mahihirapan kaming magkarinigan dito sa bar dahil sa ingay ng tugtog. Inilabas nito ang cellphone mula sa dalang purse.
"Sandali lang, tatawagan ko lang 'yong friend ko." Sabi niya sa akin.
Hindi ko narinig 'yong sinabi niya pero sinagot ko na lang ng tango. Maya-maya ay bigla na lang itong umalis sa tabi ko. Hindi ko siya agad nasundan dahil may grupo ng kababaihan na bigla na lang dumaan sa harapan ko. Nang mawala na ang mga ito sa dadaanan ko ay hindi ko na makita si Ruth.
"Naku naman, para itong walang kasama." Himutok ko.
Saan ko ngayon siya hahanapin? Tanong ko sa sarili habang nakagala ang paningin sa paligid.
Nagdesisyon akong pumunta na lang sa bar counter. Wala pa naman kaming mesa. Sana lang may available pa.
Saktong pagpihit ko ay siya namang pagdaan ng isang lalake. May hawak itong dalawang ng inumin at di sinasadyang natabig ko ang isang hawak niya dahilan para matapon ito sa kanya.
Napasinghap ako at di malaman ang gagawin kung tutulungan ko ba siya o ano. Nabasag pa nga ang ilang wineglasses ng mahulog sa sahig.
"I'm sorry!" Panay hingi ko dito ng paumanhin habang maingat na pinupulot ang mga basag na baso.
Napatingala ito sa akin at ilang segundong napatitig bago tumayo ng diretso. Parang bigla akong nanliit sa harapan niya. Ang tangkad nito.
"It's okay." Sabi niya.
May sinabi ito pero hindi ko naintindihan dahil na rin sa lakas ng tugtog. Iniwan ako nito. Napatingin ako sa mga nagkalat na bubog sa sahig tsaka napasunod ang tingin dito. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya kaya sumunod ako sa kanya ng mapansing papunta ito sa bar counter.
Napansin kong tumango ang isa sa mga service crew na kausap niya bago ito tumalikod. Lumapit ako sa kinatatayuan niya.
"I'm sorry." Muling hingi ko ng paumanhin sa kanya.
Pumihit ito paharap sa akin. Ngumiti ito ng tipid. "Okay lang. Alam ko namang hindi mo sinasadya."
"Babayaran ko na lang kung anuman ang nasayang at nabasag." Sabi ko at akma ng bubuksan ang dala kong purse pero pinigilan niya ang kamay ko. Awtomatiko akong nag-angat dito ng tingin.
Agad niyang inalis ang kamay at parang napapahiyang humingi ito ng paumanhin. "Don't worry about it. Ako na ang bahala."
"Pero..." Nakokonsensya pa ring bigkas ko. "Baka ibawas 'yon sa sahod mo."
Natawa siya ng marahan. Kapansin-pansin ang pantay-pantay at mapuputi nitong ipin na kita sa kanyang pagtawa. Kung hindi lang siguro siya naka-uniform ng kagaya ng mga service crew ng bar ay iisipin kong customer ito.
BINABASA MO ANG
Saving the Goddes of Hell
RomanceTotoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siyang nagmahal, nahulog sa magkaibang tao, ngunit para bang pinaglalaruan siya ng tadhana na ni isa man...