Bizarre Love Triangle
Chapter
XXJade's PoV
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway patungong kitchen carrying my son, when I heard a very familiar voice speaking sa may sala nitong bahay. Madadaanan kasi iyon papuntang kitchen kung saan ako patungo para ipagtimpla ng gatas itong anak kong kakagising lang.
Huminto ako nang marinig ang mga hindi pamilyar na pangalang binanggit ni David and— wait a minute! Why is he here again?
Seems like nasanay na siyang pumarito araw-araw ah. May plano ba siyang gawing tambayan itong bahay? Ang kapal niya ha. Nagsama pa talaga siya ng ibang tao. Anong akala nila, mall itong bahay na pwedeng gawing galaan ng kung sino?
Naiinis akong tumungo sa kitchen at hinanap na lang si yaya Yolly para humingi ng bagong baby bottle for my son. Hindi na kasi ito mapakali, gutom na yata. Pero pagdating ko naman dito ay wala akong taong naabutan.
"Yaya Yolly?" Tawag ko at makaraan ang ilang saglit, pumasok ito from the backdoor carrying a basket na naglalaman ng mga damit ng mga anak ko. She asks me kaagad kung anong kailangan ko at sinabi ko namang kailangan ko ng bagong baby bottle before putting André in his high chair.
"Ako na lang ang magtitimpla, ma'am." Yaya said but I declined. Kinuha ko na rin sa kaniya ang bottle at sinimulan ang pagtitimpla.
As much as possible kasi, gusto kong ako palagi ang gumagawa nito for my kids lalo pa't matagal-tagal ko rin silang hindi naalagaan because of what happened to me a few weeks ago.
After kong magtimpla ay binalikan ko kaagad si André na tahimik na nakaupo sa kaniyang pwesto at pinainom dito ang gatas. Habang pinanonood ko naman ito ay biglang nabalot ng init ang aking puso. He's staring back at me kasi na parang curious kung sino ang kaniyang kaharap. Ang cute niyang titigan dahil manang-mana nito ang mga facial expressions na ginagawa ni Althea if or whenever she's curious too.
Si Jhea naman, namana niya ang pagiging talkative ko— not that it's a bad thing! Mas gusto ko ngang gano'n siya because it's very entertaining to listen to her kapag kinakausap namin at palatanong din kung may bago o kakaiba siyang nakita sa garden.
Just like yesterday, she caught a dragonfly and asked me kung ano iyon. Buti na lang I managed not to run away. Takot kasi ako sa mga insekto but I acted unafraid para hindi siya ma-discourage na tuklasin ang kaniyang paligid.
Inilapag ko sa mesa ang baby bottle ni André nang maubos ang laman no'n at hinaplos-haplos ito sa pisngi. Nakaka-amaze isipin na he's growing up so fast. Parang kailan lang ang liit-liit pa nito. Speaking of, malapit na pala ang kaniyang birthday.
I sighed heavily nang pumasok sa isip kong magiging kuya na rin sana ito if hindi lang ako nakunan. And it's all my fault kung bakit nawala ang baby namin ni Althea. Kung nakinig lang ako sa kaniyang huwag nang lumabas that night, hindi sana nangyari ang lahat ng ito, na pati ang pagsasama namin ay nadamay.
Nagpumilit pa kasi ako at masyadong naging kampante by thinking na kaya ko pang makipag-party kahit malaki na ang aking tiyan. I was so careless at hindi man lang inisip ang maaaring mangyari sa baby kaya iyon ang naging kapalit, ang maaga siyang kunin from us.
Hindi ko na napigilan ang sariling mapaluha. I'm such an irresponsible mother and feel unfit to be called as one. Hindi tuloy ako binigyan ng chance na ma-meet ang anak ko at ang sakit isipin no'n for me. If my wife's only here, then maybe maiibsan ang pangungulilang nararamdaman ko ngayon hindi lang sa baby kundi pati na sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
FanfictionBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...