X

616 29 22
                                    


Bizarre Love Triangle




Chapter
X



Jade's PoV


"Ano'ng ginagawa mo dito sa kwarto ni Jade!?"


"Dada wait!"


Kahit hindi ko pa man naisusuot ng maayos ang aking blouse ay naglakad na ako sa harap ni dada at hinawakan siya sa braso upang pigilan ang akmang paglapit nito kay love-love. Galit na galit kasi ang mukha niya na kulang na lang ay umusok ang mga tenga at ilong nito sa sobrang inis dahil sa nakita. Si Althea naman, mukhang natuod sa kinatatayuan niya habang nanlalaki ang mga matang nakatitig kay dada.


"Bitawan mo ako Jade!" Singhal ulit ni dada na pilit kumakawala sa pagkakahawak ko. Ngunit hinigpitan ko lang lalo ang paghawak dito at hindi ko siya hinayaan dahil natatakot ako sa maaaring gawin nito kay Althea.


"Huminahon ka please, dad!" Pakiusap ko.


"Paano ako hihinahon kung ganitong klaseng eksena ang inabutan ko sa loob ng kwarto mo Jade!?" Nanggagalaiti pa rin nitong turan habang matalim na tinititigan ang love-love ko. "Ikaw," itinaas niya ang hintuturo sa direksyon ni Althea, "lumabas ka ngayon dito!" Pasigaw niyang utos.


Tila natauhan naman ang isa at tumalima agad sa iniutos ni dada.


"Althea, wait!" Pasigaw ko ring tawag dito. Ayoko ko pa kasi itong umalis.


"Hayaan mo na siya Jade!" Mariing saad ni dada sa aking tabi habang nanlulumo ko namang sinusundan ng tingin ang papalabas na si Althea.


Nang tuluyan na itong makalabas ng kwarto ay binitawan ko na si dada at hinabol si love-love.


Naabutan ko siyang nakaupo na sa scooter niya. "Love, 'wag ka munang umalis." Pakiusap ko saka tumayo sa harapan ng scooter upang harangan ang pag-alis niya.


Napatingin ito sa akin saka napapikit at humugot ng malalim na buntunghininga. "Jade naman eh." Nakakamot sa batok nitong sambit.


Dahan-dahan akong naglakad sa tabi niya to hug her. Tightly. Sininghot ko rin ang amoy ng leeg nitong kahit amoy pawis na ay gustong-gusto ko namang amuyin. Ewan ko ba pero parang nakaka-addict ang amoy ni love-love.


Kung pwede lang talaga kitang ikulong dito sa loob ng bahay love, gagawin ko. Huwag mo lang kaming iwan ng baby natin.


"Jade," lihim akong napangiti habang nakayakap pa rin dito, "nakikiliti ako." Sambit niya na iniiwas ang leeg mula sa ginagawa kong pagkagat-kagat doon.


After kong gawin 'yon ay bumitaw na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Please stay." Malambing kong pakiusap with matching pout pa. Malay, baka madala siya sa pagpapa-cute ko.


Ngumiti siya habang naka-focus ang mga mata sa aking labi. Pag-angat nito ng tingin ay nagkasalubong ang aming mga mata at ilang segundo kaming nagkatitigan. Nag-init ang magkabilang-pisngi ko dahil dito at napansin kong namumula naman 'yong sa kaniya.


"Tsk, tigilan mo nga 'yan," una siyang nag-iwas ng tingin ngunit hinawakan ko ang mukha niya at iniharap itong muli sa akin. Nagkatinginan ulit kami ng ilang saglit bago unti-unting naglapit ang aming mga mukha sa isa't-isa. Konting-konti na lang ang space na natitira at maglalapat na sana ang mga labi namin nang may tumikhim sa likuran ni Althea. Magkasabay pa kaming napatingin doon upang tingnan kung sino iyon.


Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon