II

1K 39 5
                                    

Bizarre Love Triangle




Chapter
II



Jade's PoV


Magkasalubong ang kilay na nagpalinga-linga ako sa paligid, searching for an empty parking space. Kanina pa kasi ako palibot-libot dito sa parking lot ng bar kung saan kami magkikita-kita ng mga friends ko, pero hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap na space.


     Actually, isa ako sa mga may-ari ng bar na ito, together with some of my barkada from college. Pero hindi na kami masyadong nagkikita kasi 'yong iba, sa states na nakatira. Kami na lang na mga naiwan dito sa 'Pinas ang nagma-manage nito sa ngayon. At every weekends na lang din kami nagkakaroon ng time na magkita-kita para mag-bonding.


     Pinatakbo ko nang marahan ang dalang kotse nang mapansing tumutunog ang cellphone ko sa aking tabi. Stopping the car, I picked my phone up. "Hello beshy?" Agad kong sinagot ang tawag ni Sally nang makitang pangalan niya ang naka-register sa screen.


     . . . "Hello besh, nasa'n ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya.


     "I'm here na sa labas. Naghahanap lang ako ng parking space. Seriously Sal, marami bang tao diyan ngayon?" Nagtatakang tanong ko rito.


     . . . "Yes beshy, ang daming customers tonight. But don't worry, andito naman sina Fifi."


     Nakahinga ako ng maluwag when she said that. Sa wakas, isang kotse ang namataan kong papaatras ilang metro lang ang layo mula sa pinaghintuan ko. Mabilis akong nag-drive papunta roon at nag-park sa space para makapasok na sa loob ng bar.


     Sa likod na rin ako ng building dumaan upang makapasok agad sa loob. If sa main entrance kasi, malamang aabutin pa ng ilang minutes bago ako makarating sa office. Mahihirapan ka na kasing makahanap ng madadaanan doon kapag ganitong maraming customers.


     "Besh!" I was about to enter our office nang marinig si Sally na tinawag ako. Kasunod niya si Fifi na naglalakad palapit sa akin dito sa bahagi ng building kung saan naroon ang office namin. We use this room kapag nagme-meeting kaming mga co-owners tungkol sa aming business.


     Nagbeso ako sa kanilang dalawa. "Sorry kung ngayon lang ako nakarating. Ang hirap kasing maghanap ng alibi para makalabas ng bahay." Paliwanag ko. Alam ko ring naiintindihan nila ang aking sitwasyon. Hindi kasi alam nina dada at mama na may negosyo akong ganito. At pinili kong i-sekreto na lang ang tungkol dito dahil alam kong hindi sila sang-ayon sa ganitong lifestyle.


     "We understand." Patango-tangong sagot ni Fifi saka nginitian ako ng matipid. "Tara na sa labas, naghihintay na sa atin 'yong iba." Yaya niya saka nauna nang lumabas at nagtungo sa kinaroroonan ng aming mga kaibigan. Sumunod naman agad kami ni Sally sa kaniya papunta sa second floor.







     Magdadalawang oras na rin ang nakalipas mula nang ako'y dumating dito sa bar. My friends and I are having a good time talking with each other and sharing stories about anything and everything under the sun. Tawang-tawa pa nga ako habang nakikinig sa funny experience na ikinukwento ng isa naming kabarkada nang may mahagip ang aking paningin na someone interesting.


     I raised an eyebrow. So, dito lang pala kita mahahanap. Sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang isang babae, who's wearing a waitress uniform with our bar's logo. Hindi ito magkamayaw sa pagsuong sa mga crowded areas ng bar habang ibinibigay ang mga in-order na drinks ng mga customers.


Bizarre Love TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon