Bizarre Love Triangle
Chapter
XIIJade's PoV
Napabuntunghininga ako nang mamataan ko si Althea na nakatayo not far from where I am dito sa loob ng mall.
Ang tigas din talaga ng ulo niya.
Naiinis ko itong nilapitan kasunod si mang Lucas na bitbit ang ilang paperbags ng mga pinamili ko.
"Hindi pa ba tayo nagkaintindihan last week?" Nakapamewang kong tanong when I reached her.
"Ah, a-ano kasi Jade," nakakamot sa batok nitong sambit na tila hindi malaman kung ano ang sasabihin sa akin.
Napabuntunghininga ako. Alam ko na kasi kung ano ang kailangan niya kaya sunod nang sunod siya sa akin kahit saan ako pumunta. "If you're only here para makiusap sa akin, well I'm sorry Althea pero 'no' pa rin ang sagot ko." Sabi ko sa kaniya for so many times already.
Nagkabaliktad na kasi ang aming sitwasyon, kung kailan pumayag na siya sa gusto kong mangyari a couple of months ago, saka naman ako umayaw. Hindi na kasi iyon ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. Not anymore. Ayoko nang ipilit ang sarili ko sa kaniya. Gusto ko if ever na magpakasal kami, dapat mahal na niya ulit ako. 'Yong tipong baliw na baliw na siya ulit sa akin kagaya noon.
"Jade, pumayag ka na." Naiiyak nitong pakiusap. Sa totoo lang, naaawa na ako kay Althea, pero hindi ako nagpadala sa nararamdaman kong emosyon.
I don't even understand why tanggi ako nang tanggi, at kung bakit siya naman ngayon ang namimilit na maikasal kami. Akala ko ba ayaw na niya sa akin?
"Althea, if inaalala mo ang tungkol sa pagpapa-opera ni tita Grace na baka hindi matuloy, don't worry okay? Dada promised me na matutuloy pa rin iyon." I explained at tinalikuran na ito.
"Jade, sandali!" Hindi pa man ako nakahakbang papalayo ay hinawakan na niya ang aking kaliwang kamay. Damn it! Ayoko mang aminin pero kinilig ako nang magdaop ang aming mga palad.
Paglingon ko, bumungad sa akin ang mukha niyang nakikiusap. I sighed deeply at nag-iwas ng tingin. Tinalo na naman kasi ng puso ko ang aking utak. Bakit ba kasi sobrang mahal kita Althea? Tuloy, parang two weeks lang ang aabutin nitong pag-iwas iwas kong drama.
"Mang Lucas," tinawag ko ang driver kong nakatayo ilang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan naming dalawa at kinuha ang mga paperbags niyang hawak. "Here, hold this." Iniabot ko ang mga ito kay Althea upang siya na ang magbitbit. Inutusan ko rin ang driver kong maghintay na lang sa parking lot.
Pagkaalis nito ay hinarap ko si Althea at nakitang parang nahihirapan ito sa mga bitbit. Oh good! Plano ko kasing pagurin siya ngayong araw para sa susunod, hindi na ito maglalakas-loob pang sundan at lapitan ako. "Are you okay?" Tanong ko.
Napaangat naman ito ng ulo at tumingin sa akin. "Ha? Ah o-oo! A-ayos lang ako." Nauutal nitong sagot.
"O-kay." Nakangiwi kong sambit at nagsimula nang maglibot-libot ulit dito sa loob ng mall.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
FanfictionBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...