Bizarre Love Triangle
Chapter
VIIIJade's PoV
Kasalukuyan akong nakakapit sa braso ni love-love at nandito kami ngayon sa garage nakatayo sa tabi ng scooter niya. Pagkatapos kasi naming kumain ay agad na itong nagpaalam kay mama at dada na uuwi. Pero hindi pa siya nakakaalis dahil umuulan. Kanina pa nga namin hinihintay na tumila iyon pero lalo lang yatang lumakas ang pagbuhos nito.
"Ba't 'di ka na lang magpalipas ng gabi dito Althea? Mukhang hindi na hihinto itong ulan. Lalo pa ngang lumakas ang buhos o." Suggest ni kuya Paul. Andito rin kasi siya sa labas dahil kinuha nito ang office bag niyang naiwan sa kaniyang kotse.
"Salamat, pero 'wag na Paul. Titigil din 'to mamaya." Sagot naman nitong katabi ko. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayapos ko rito saka pa-simpleng inamoy-amoy ang kaniyang leeg. Lihim din akong natatawa sa tuwing inilalayo nito ang sarili sa akin kapag nakikiliti siya sa ginagawa ko.
Hmm. Gabi na but she still smells good.
"Mga anak," napalingon kaming tatlo sa may pintuan nang marinig ang boses ni mama. "Bakit hindi pa kayo pumasok? Jade, kailangan mo nang magpahinga." Saad niya na sa akin nakatingin.
"Ma, sinasamahan lang po muna namin si Althea." Maagap na sagot ni kuya Paul.
Tuluyan nang lumabas ng bahay si mama at nilapitan kaming tatlo. "Hindi ka pa pala nakaalis Althea? Magpalipas ka na lang ng gabi dito. I've watched the news, pumasok na raw ang bagyo sa ating bansa kaya delikado na kung bibiyahe ka pa." Suhestyon nito na lihim kong ikinatuwa. Nahuli ko pa ang sekretong pag thumbs-up sa akin ni kuya. I smirked internally. Kahit kailan kasi, napaka-supportive niya sa relasyon namin ni Althea.
Hinintay namin ang magiging sagot ni Althea kung papayag ba itong dito na magpalipas ng gabi. Pero bago pa man siya makasagot, biglang bumukas ang gate namin. Nabaling tuloy roon ang aming atensyon. Dumating na kasi ang sasakyan ni dada na hindi namin nakasabay sa hapunan kanina dahil na-stuck daw sila ni Mang Andres sa traffic.
"Good evening." Sabi ni dada pagkababa niya ng kotse. Lumapit naman si mama sa kaniya at binigyan siya ng halik sa pisngi.
"Buti at nakauwi ka ng safe hon." Saad nito na nag-aalala ang mukha. Ganyan kasi talaga si mama, maalalahanin sa aming lahat. "Si Gabriel, nakauwi ba ng safe sa kanila?" Dagdag pa niyang tanong.
Inakbayan naman siya ni dada para siguro pakalmahin. "Hon, bago pa man bumuhos ang ulan kanina ay pinauwi ko na si Gabriel kaya huwag ka nang mag-alala." Paliwanag niya kay mama upang mawala ang worry nito. Medyo may kalayuan kasi ang bahay na tinitirhan ngayon ni kuya kasama ang asawa't dalawang anak nila.
Gayunpaman, pinili pa rin niyang doon manirahan dahil ayaw umalis ni ate Angie sa bahay na iniwan ng mga magulang nitong pumanaw last year lang. So, kahit gustuhin mang bumili ng bagong bahay ni kuya para sa sariling pamilya ay hindi niya magawa. Mahal na mahal kasi ni kuya si ate Angie kaya lahat ng gusto nito ay sinusunod niya.
Napatingin ako kay Althea. Hay . . . Sana all mahal din ng mahal nila.
"Magandang gabi po, Mr. Tanchingco." Pagbibigay-galang nito kay dada.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Triangle
FanfictionBizarre Love Triangle "Every time I see you falling I'll get down on my knees and pray, I'm waiting for the final moment, You'll say the words that I can't say..." ---------------------------------------- Most impressive ranking last September...